"Hello, Mavis." Nagulat ako nang magsidatingan si Clover at Marco. Naupo sila tig-kabila at si Clover ang tumabi sa akin na kinasama ng timpla ng mukha ni Drei. "Clover." "Oh, teka dude—nakikiupo lang." "Ba't nandito kayo? Tapos na kayo kumain? Akala ko may nagaasikaso kayo ng research paper?" Kunot-noong tanong ni Drei na para bang hindi talaga nagustuhan ang pagsulpot ng kaibigan niya. "Dude, hindi mo ba kami namimiss—shempre we're here to know Mavis. Hi Mavis." Sagot naman ni Marco. "H-hi," tipid na bati ko at kunwari'y nahihiya. "Ano ba talagang pakay niyo?" "Birthday ng pinsan ko bukas dude, invited ka." Napatitig ako kay Marco nang sabihin niya 'yon. "Sows! Inuman nanaman 'yan pass ako dude." "Shut up Clover papasuyo ka pa ba?" "Ulol! Pakyu ka!" "Para kang bakla, walang ba

