Dale's POV
Nagising ako dahil sa uhaw kaya bumangon ako at napansin ko si Xander sa sofa matutulog at mukhang hindi pa magkasiya, kawawa naman balikan ko na lang pag katapos ko na uminom ng tubig. Pagkatapos bumalik ako sa kwarto at nilapitan si Xander. Tinapik ko ito at narinig ko yung mahinang ugol niya.
"Hmm." Tinapik ko ulit siya hanggang sa minulat niya yung mga mata niya.
"Bangon ka, tabi na tayo doon sa higaan mo wala naman sigurong masama kung magkatabi tayo, hindi ka pa naman kasiya dyan sa sofa." Medyo napapatawa ako sa sinabi ko.
Tumango na lamang siya at humiga na tumabi na ako sa kaniya.
Pagbibigyan kita ngayon Leslie pero sa oras na naging asawa na kita hindi ka na makakaganyan sakin.
Naalala ko na naman yung sinabi niya kanina, hindi pa nga alam nila mommy ee.
Bukas ko na lang alalahanin yung sinabi niya.
*Kinabukasan*
Nagising na ako at babangon na sana ng may nakadagan na kamay sa bandang tyan ko, tinanggal ko ito ng dahan-dahan hanggang sa natanggal ko na at pumunta ng c.r para maghilamos at nagtoothbrush. Wala naman sigurong masama kung gumamit ako.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng cereal at kumain na. Habang kumakain ako hindi ko namalayan na nagising na pala si xander.
"Good morning." Alangan ko na bati sa kaniya.
"Good morning." Bati din niya.
"Yung pa lang sinuot mo kagabi ipapalaba ko na lang, ipinabili na kita ng damit sa secretary ko."
Tumango na lang ako ng biglang tumunog uung door bell.
*Ding Dong*
Tumayo si xander at binuksan yung pinto at binigay sa kaniya yung paper bag, nang nabigay na ibinigay naman sakin ni xander.
"Ito."
"Thank you."
"Hmm. Xander.” Tawag pansin ko.
"Hmm?"
"About yung kagabi sana wag mo munang sabihin kina mommy."
"Sige." Tipid na sagot niya.
"Thank you." Tumayo na ako at dumeretso sa cr at naligo, pagkatapos maligo nagbihis na at lumabas para magpaalam.
"Xander mauna na ako. Uuwi na ako." Paalam ko.
"Ihahatid na kita sandali kukunin ko muna yung susi ng sasakyan ko."
Aangal pa sana ako kaso umalis na siya.
"Tara na?" Tumango na lang ako bilang sagot.
Lumabas na kami at pumunta ng parking lot saka pumunta doon sa sasakyan niya.
Nagdrive na siya at lumipas ng ilan minuto narating na namin yung bahay, lumabas na ako palabas ng sasakyan at pumunta ng gate ng bigla akong lumingon sa kaniya.
"Thank you." sabay ngiti sa kaniya at pumasok na ako sa bahay saka dumeretso sa kwarto at nagdrawing.