CHAPTER 13

706 Words
Alexander's POV Naalimpungatan ako kaya umupo muna ako saka tinignan ang nasa gilid ng kama at nakita ko si Leslie na nakayuko sa kama kaya tumayo ako saka siya nilapitan, binuhat ko siya at hiniga sa kama kinumutan na din saka tumabi sa kaniya. Ilan minuto ang nakalipas at napagdesisyon ko pumasok na sa trabaho. Bago ako umalis nag iwan ako ng sulat sa side table at pinagluto siya para sa almusal niya saka na ako umalis para pumasok. Pagkarating sa office, inumpisahan ko nang basahin at pirmahan ang mga files na nakatambak sa mesa ko, nag attend na din ako ng mga meetings para matapos kaagad ang trabaho ko sinadya ko talaga na tapusin lahat ng trabaho sa opisina para makauwi na kaagad sa bahay. Leslie Dale's POV Pagkagising ko may napansin akong maliit na papel sa side table ng kama kaya binasa ko na ito. Dear Leslie, Thank you for take care of me habang may lagnat ako kahapon, pumasok na ako sa trabaho saka pinagluto na kita kaya you should eat okay. I love you. Your husband, Alexander Napangiti na lang ako, sa nagdaang ilan months masasabi ko na hindi naman mahirap mahalin si Alexander. Oo na inaamin ko mahal ko na siya. I love him so damn much! Bumangon na ako saka pumunta sa kusina at kumain na, pagkatapos naligo na ako at nagbihis para pumunta ng university dinala ko na rin yung skateboard ko na nakasayan ko ng dinadala tuwing papasok ako. Itetext ko na muna si Alexander na papasok na ako. To: Alexander Papasok na ako xander Send. Umalis na ako ng bahay at ginamit ang skateboard na dala ko, nakarating ako ng university saka natapos ang klase ko na maayos at matiwasay. Umuwi na ako ng bahay Pagkarating na ako sa bahay at umakyat sa kwarto saka nagbihis, bumaba na ako at nanood ng tv. Habang nanonood ako may nagdoorbell kaya pumunta ako sa harapan ng pintuan at binuksan, pagkabukas ko may babae sa harapan ko kaya tinanong ko siya. "Sino po sila?" Tanong ko. "Nasaan si Alexander?" Tanong niya din "Nasa trabaho pa siya, sino ka ba?" Tinaasan lang ako nito ng kilay at sinagot na. "Girlfriend ni Alexander." "Sa pagkakaalam ko wala siyang girlfriend." Medyo naiinis na sambit ko sa kaniya. "Akala mo lang." Maarteng sabi niya. Mas lalong nainis ako sa mga pinagsasabi niya. "Kung pwede umalis kana! Wala sya dito!" Galit na sabi ko. "Sino ka ba?!" Naiinis na tanong niya. "I'm his wife kaya umalis ka na wala dito ang asawa ko." "No! I'm stay here hanggang sa dumating siya." Pinaikot ko na lang yung mata ko at hinayaan na lang siya saka tinawagan si Alexander, Ilan ring lang ay sinagot na nya ito. (Hello Leslie? May problema ba?) Tanong nito sa kabilang linya. "Umuwi ka, nandito yung girlfriend mo." May diin na sabi ko. (Damn!) Binaba na niya ito saka ako humarap sa babaeng na sa harapan ko. "Pauwi na siya hintayin mo na lang." Tumango na lang ito, makalipas ang ilan minuto dumating na si Alexander, yung babae naman tumakbo papunta kay xander at binigyan ng halik kaya tumalikod na lang ako. Ayokong makita masyadong masakit sa mata, kaya umakyat na ako at nagtungo sa kwarto ko at nagdrawing na lang. Sa pag-uukit ko ng mukha may biglang kumatok kaya hindi ko na lang pinansin ito at pinagpatuloy na lang. "Leslie." Tawag niya sa pangalan ko. "Umalis na ba yung girlfriend mo?" Tanong ko sa kaniya na hindi tumitingin sa kaniya. "Hindi ko siya girlfriend, matagal na kaming wala." "Alam mong ikaw lang ang mahal ko." Dugtong nito, kaya humarap ako sa kaniya ng nakasalubong ang kilay. "Ganun ba? Bakit ka niya hinalikan kung ganon?!" Medyo inis na tanong ko. "Teka lang, nagseselos ka ba?" Tukso na tanog nito. "Kung sabihin ko na oo? Anong gagawin mo?" Lumapit ito sa akin saka ako tinitigan sa mata. "Wala kang dapat ikaselos sa kaniya. Ikaw ang mahal ko. she's just part of my past." Tumango na lang ako, siniil niya ako ng halik kaya tumugon na ako hanggang sa naramdaman ko na lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Hanggang sa buong gabi kasama ko siya dito na may nangyari sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD