Sa kabila ng mahinang pagbigkas ni Joyce ng mamga katagang iyon, narinig pa rin ito ni Imee. Nagtaka naman si Imee kaya agad siyang nagtanong kay Joyce kung tama ba o mali ang kaniyang narinig. “Ano,” aniya. Napatingin naman sa kaniya si Joyce. Ngumiti si Joyce at nagbigay ng makahulugan na tingin na tila nagtatanong. Napasinghap si Imee at tuluyan nang sinabi ang nais sabihin. “Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng rinig...” Huminto siya sa pananalita at seryoso tumingin kay Joyce, “Walang puso si Miss Christine?” direkta niyang tanong sa kasamahan. Saglit na nabigla si Joyce at inayos ang sarili. Nakaisip agad ito ng magandang idadahilan sa pagkakataon na ito. Muling nagpakita si Joyce ng ngiti kay Imee. “Ay, hindi ‘no...” depensa ni Joyce saka tumayo sa pagkakaupo. Naghihin

