Alexa’s Memories Nakatanaw ako ngayon sa kalangitaan. Kulay asul ang alapaap at sobrang puti ng mga ulap. “May pasok ka ba?” tanong ko kay Christine. Nakaupo ako sa bandang bintana ng aming silid-aralan kklase ko si Christine na busy sa kaniyang project na deadline na mamaya. Hindi ako tinitignan ni Christine pero sumasagot pa rin ito sa mga tanong ko. “Mayroon, ‘di ba obvious?” sagot nito sa akin. Hindi kasi kami same schedule sa klase, ayaw niya sa regular class na block section at ayaw ko rin ng gan’on. Kaunti lang kasi makikilala namin kapag pare-parehas na mukha lang sa iisang klase. “Punta sana tayo sa inyo,” sambit ko. Pagtapos kong sabihin iyon ay bumalik na ako ss pagtingin sa kalangitan. “Bakit?” tanong nito. Humarap ako sa kanya at nakita na nakatingin ito sa akin. Ngu

