“Handa na ang mga make-up!” wika ni Alexa. Napaatras ng bahagya si Christine sa nakita. Agad na lumapit sa kaniya si Alexa at pumaroon sa kamiyang likuran. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Christine at marahan na itinutulak palapit sa salamin. “T-teka, hindi naman kailangan ng make-up,” sambit ni Christine. Nagbingi-bingihan si Alexa at itinuloy lang ang pagtulak sa kaniyang kaibigan hanggang sa mapa-upo na si Christine sa tapat ng salamin. “There, behave,” saad niya sa kaniyang kaibigan. Napasinghap naman si Christine saka ngumiti. “Sige na nga, minsan lang naman ako maglagay ng kolorete sa mukha,” aniya. Masayang kinuha ni Alexa ang head band at inilagay sa ulo ni Christine. “I’ll make you perfect,” turan sa kaniya ni Alexa. Nagsimula na si Alexa sa pagpapaganda kay Chr

