Iniwan niya si Gerald na abala sa pagkontak sa isang kilala na detective. Dumiretso siya agad sa shower at doon ay nagpalamig. Naupo muna siya sa sahig habang nakabukas ang kaniyang shower. Madaming bagay ang nasa kaniyang isip ngayon. Naroon ang mga bagay patungkol sa kanila ni Gerald, sa kaniyang pamilya at higit sa lahat ang tungkol sa nagngangalang Chrys. Napayuko siya dahil hindi alam kung anong gagawin at uunahin. Napasinghap siya sa gulo ng kaniyang isip. “I can’t let that problem swallow my whole being and mind,” mariin niyang sambit at siya’y tumayo. Humarap kung saan nakatutok ang shower at sinimulan nang linisin ang kaniyang katawan. Kinuha niya ang sabon na pang-katawan at sinabunan ang kaniyang balat. Kinuha niya na din ang pang body scrub. Habang nagkikiskis siya ng kat

