Nakaka-intriga naman talaga ang babae na nagugustuhan ni Alexis. Tahimik lamang kasi ito tungkol sa kaniyang buhay. “Wala man lang pruweba na may nagugustuhan talaga siya?” tanong ko. Umiling si Alexa. “Mayroon, pero hindi ko matandaan kung ano iyon,” aniya. Napasinghal na lang ako. Sayang, akala ko pa naman ay makakatulong na ako para makahanap ng ibang babae na pasok sa ideal girl ni Alexis. “What about this idea,” sambit ni Jaeryll. Napatingin kami ni Alexa sa kanya. Ano kaya ang nasa isip niya. “What’s your idea?” tanong ni Alexa. Hindi mapakali si Alexa kung ano ang ideya na mayroon si Jaeryll. Ngumiti lamang si Jaeryll at hindi pa nagsisimulang sabihin ang ideyang naiisip. “Hey!” tinapik ni Alexa ang balikat ni Jaeryll. Napabalikwas naman si Jaeryll marahil ay napalakas an

