Chapter Four

1400 Words
Later that night ay kinausap ako ni daddy tungkol sa ginawa ko sa damit ni Aimee. Mabuti na lang at patapos na akong kumain nang i-open ni daddy ang topic. “Kei, nakwento ni Aimee `yong ginawa mo sa damit niya,” pag-uumpisa ni dad. Nang tignan ko si Aimee ay parang maamong tupa na nakayuko lang siya. Sarap kutusan. “Nakwento niya rin po ba sa inyo kung bakit ko ginawang buhusan ng zonrox ang damit niya, dad?” malumanay na sagot ko sa kanya sa pamamagitan ng isa ring tanong. “Basta mo na lang daw siyang inangilan n’ong magtanong siya sa `yo kung nasaan si manang Fe. Tapos bigla mo pa raw inagaw `yong damit niya kasi gusto mong hiramin. `Nak, pwede ka namang magsabi sa akin kung gusto mo rin ng damit na `yon at ibibili rin kita. Hindi `yong bigla ka na lang mang-aagaw sa kapatid mo at kapag hindi ka pinahiram ay basta mo na lang sisirain. Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo ng ganyan, Kei. Now, I want you to say sorry to her.” Malungkot na napatingin ako kay daddy. “Exactly, dad. Hindi niyo ako pinalaki ni mommy ng ganoon. You really think na magagawa kong sirain ang damit niya without a valid reason? And do you actually believe na maiinggit ako sa damit niya?” I wanted to remind dad na simula nang mamatay si mommy ay bibihira ang okasyong nabibilhan niya ako ng damit dahil since then, ako na ang gumagawa ng bagay na `yon para sa sarili ko. I have my own style when it comes to fashion at ayoko na ring abalahin pa siya dahil naiintindihan ko namang masyado siyang busy sa trabaho. “Just to let you know dad, she called manang Fe “peste.” And I can’t forgive Aimee for that. When mom died and we were both devastated, siya ang umalalay sa ating dalawa hanggang sa pareho tayong makapag move on sa pagkawala ni mommy. She’s been with us for a long time and we’ve both agreed that she’s not just my nanny anymore. She’s like a family to us. And yes, sinabuyan ko nga ng zonrox ang damit ni Aimee. Only because ihinagis niya `yon sa `kin at inutusan akong labhan `yon as if I’m her maid. Now, kung mas paniniwalaan mo `yang sampid na `yan kesa sa sarili mong anak, it’s up to you, dad. But there’s no way that I’m going to say sorry to her. Not now, not ever, and not in this lifetime. Excuse me at may gagawin pa po ako.” Iyon lang at tumayo na ako at diretsong umakyat sa kwarto ko. Sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kalamnan ko. Kahit gaano naman kasi katigas ang puso ko ay lumalambot rin ako kapag nasa ganoon ang sitwasyon. I just hope that I was able to put senses into my father’s head. Humiga ako sa kama ko pero ilang saglit lang ay bumangon din ulit ako at nag-decide na mag-empake ng ilang damit at gamit. I don’t wanna sleep here tonight. At naalala ko, may usapan nga pala kami ni Hyori na sa condo niya ako matutulog ngayon. Pinuno ko ng damit ang isang maleta ko at ilang saglit pa ay palabas na ako ng kwarto ko. Dumaan muna ako sa kwarto nina daddy para magpaalam. Si daddy ang nagbukas ng pinto. Tumingin lang sa akin ang mommy ni Aimee at bumalik rin sa pagpapahid ng lotion. Lumabas ng kwarto si daddy at kinabig pasara ang pinto. “Where are you going, Kei?” tanong niya na nakatingin sa maleta ko. “Doon po ako matutulog sa bahay ng friend ko, dad. Tapos bukas po mag a-out-of-town po kami.” “Kei, if this is about what happened kanina, I’m sorry. Kakausapin ko si Aimee bukas ng umaga.” “Dad, it’s not just about that. Talagang may lakad po kami ng mga kaibigan ko bukas. Magba-Batangas po kami.” “Okay, then. Mag-iingat kayo sa pupuntahan niyo, ha?” sabi ni daddy at pagkatapos ay niyakap ako. “I’m sorry if I’ve been a bad daddy to you for the past months. Alam kong nagtatampo ka sa akin.” “It’s okay, dad. Ang mahalaga lang naman sa akin ay naniniwala kayo sa akin,” sagot ko na medyo dumistaniya ng kaunti kay daddy. “What, do you believe what I said kanina?” “Of course. Anak kita kaya mas paniniwalaan kita kumpara sa ibang tao dito. Always remember that.” With that ay nayakap ko ulit nang mahigpit si daddy. “I love you, dad!” “I love you more, Kei.” Iyon lang at tuluyan na kaming naghiwalay. Naglakad na ako papunta sa hagdan. Pero bago pa ko tuluyang bumaba ay nagpahabol pa ako ng salita. “Dad, paubos na cash ko,” nakangising sabi ko sa kanya. It was half lie. May savings pa naman kasi ako sa bangko na halos hindi ko pa nagagalaw kung tutuusin. “I’ll send you money on your account tomorrow. Mag-ingat ka, hija. And don’t forget to call me if there’s a problem, okay?” “Sure I will, dad.” Iyon lang at tuluyan na akong bumaba. Nilagay ko sa likod ng kotse ko ang maleta ko bago ko binuksan ang gate. Inilabas ko ang kotse ko at isasara na sana ulit ang gate nang makita ko si Aimee na magkasalikop ang kamay na naglalakad palapit sa `kin. Kapal din talaga ng mukha ng babaeng `to. “Kung inaakala mong masisira mo ako sa daddy mo, pwes, nagkakamali ka. Konting bola ko lang d’on, mapapaamo ko ulit `yon,” aniyang nakatikwas ang kilay. “At kung inaakala mo ring masisira mo ako sa daddy ko, try harder, bitch.” Iyon lang at hinila ko ang gate pasara bago pa man siya makapagsalita ulit. Ayokong mag sayang ng oras sa kanya. She’s not so worth it. Habang nagda-drive ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Hyori na agad na binasa ko nang huminto ako sa may stoplight. “Mars, punta ka na lang sa condo. May pinuntahan lang ako saglit. I didn’t locked the door so akyat ka na lang.” Ayon sa text na may smiley emoticon pa sa dulo. Dahil wala naman akong choice ay dumiretso na nga ako sa condo niya na nasa may Paranaque banda. Cell phone at wallet lang ang dala ko dahil babiyahe rin naman kami mamayang alas-dos pa-Batangas. At dahil kilala na `ko ng mga security guards ay dumiretso na ako sa unit ni Hyori. Hindi nga naka-lock ang pinto at pagpasok ko ay sinalubong ako ng mabangong amoy ng sa sala palang ng unit. At medyo nagtaka rin ako dahil naka dim lights ang buong sala na perfect for sexy times. Pupunta sana `ko ng kusina para kumuha ng tubig nang mapansin ko ang papel na nasa ibabaw ng center table. Mars, Nasa kwarto ko ang post-birthday gift ko sa `yo. Hope you like it. Hyori Iyon ang nakasulat sa maikling note na ikinataas naman ng kilay ko. Ano’ng gift naman kaya? Kumuha muna ako ng tubig sa ref at pagkatapos ay saka ako pumunta sa kwarto ni Hyori na kagaya sa sala ay dim din ang lights. At muntik na akong mabilaukan dahil sa tubig na iniinom ko nang makita kong may lalaking nakahiga sa gitna ng kama ni Hyori. The guy is naked at may nakatakip lang na kapirasong tela sa crotch area niya. Nakaposas ang dalawang kamay niya sa headboard ng kama at ngayon ay mataman siyang nakatitig sa akin na para bang inaanyayahan akong samahan ko siya sa kama. Unti-unti akong naglakad palapit sa kama at doon ko napatunayang gwapo nga ang lalaki. At base sa haba ng legs niya ay masasabi kong matangkad siya. At mukhang gifted rin base na rin sa “umbok” na natatakpan ng maswerteng tela. Sino ang lalaking `to? At bakit siya ginawang alay—este regalo—ng kaibigan ko? “Hi,” narinig kong nagsalita ang alay. Shet na malagkit. Ang sexy rin ng boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD