Having a boyfriend like Ken sure feels like heaven. He’s sweet, a real gentleman and a certified hopeless romantic. Sa tuwing magkasama kami, mas lamang na siya ang nagpapakita ng affection. He loves holding my hands, kissing and hugging me from my back. At dahil pareho na kaming walang pasok, halos araw-araw kaming magkasama. “Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?” natatawang tanong ko sa kanya nang isang hapon ay nasa harap na naman siya ng bahay namin. May dala siyang flowers at chocolates. “I’ll never get tired of seeing your beautiful face, babe,” nakangiting sagot niya bago ako niyakap ng mahigpit. And yes, ‘babe’ ang official endearment namin sa isa’t isa. Common but I just like it that way. Ayoko rin naman ng mga cheesy-ng tawagan ng ibang mag jowa. I was about to give Ken a s

