Bully
Mikaella Vergara
"Ow! Look who's here. Ang girlfriend daw ni Jaydee Avila. Is that true Ella?" biglang sulpot ng limang babae sa harap namin.
Naglalakad kami sa hallway tas bigla-bigla silang susulpot. Akala ko nasa isang commercial kami tas sila yung biglang susulpot tas mag-aalok ng product nila.
Charot lang.
"Hey! The hell with your mouth?! Isa ka sa mga maaarteng panget na nakilala ko" biglang sambit ni Mae.
Napapigil ako ng tawa ng marinig ko ang sinabi nya.
"Ano bang problema mo?! I'm just asking her. Nakikisali ka naman. E alipores ka lang naman nya!" inis na sabi naman ng babae.
Nagulat kami ng biglang humakbang si Zhyra.
Paktay.
"For your information hindi sya alipores! Ang tawag don kaibigan! Wala ka ba non? Kasi parang napilitan lang yang mga kasama mo eh. Subukan mong alisin yang kayamanan at kagandahan mo. Tignan natin kung sumama pa yang mga yan sayo. Ow wait. Cut that kagandahan word. Cause I can see na wala ka naman non" mataray na sabi ni Zhyra kaya namangha talaga ako. I mean kami.
Napayuko naman ang mga kasama nya. Halata ang pagkairita ng babaeng nasa gitna nila.
Psh! Ano ka ngayon?!
"What the hell?! Anong tingin mo sa kanila? Plastick?! As if mawawala yang mga yan sakin. Tsk! Anyway si Ella ang kausap ko!" sabay harap nya sakin "I know na maganda ka. But tell me. Ano bang klaseng panlalande ang ginawa mo kay Jaydee?!--- Aray! Ano ba?!"
Napanganga ako sa nakita ko.
Sinampal lang naman ni Jamila yung babae. At hindi lang yon basta sampal. Parang buong lakas nya binigay nya don. Muntik na ngang matumba yung babae buti inalalayan sya nung mga kasama nya.
Bakas pa sa mukha nung babae yung sampal ni Jamila. Namumula mula pa kasi. Awts. Poor girl! Bukod kasi sakin tingin ko si Jamila na ang pinaka mataray sa mga kaibigan ko.
And warning lang. Wag mong pipikonin si Jamila kasi matitikman mo yung half monster sa mga kamay nya.
At pag sinabi kong half. Half lang talaga. Cause I consider myself as a whole monster when I'm angry.
Natatawa nga ako tuwing naaalala ko kung pano sila manahimik at matakot pag-galit ako.
"I think you need to wash your dirty mouth girl! Kung ano-ano na kasing lumalabas eh! Try mong manalamin. Tignan natin kung ilang layers ng make up ang pinatong dyan sa mukha mo para makapagsalita ka ng malande" seryoso ngunit bakas ang pananakot sa sinabi ni Jamila.
Para akong nanonood ng action sa nakikita ko. Hmm. Bili kaya muna ako nang pop corn?
Whoooh! Intense!
"How dare you?!---" sasampalin na dapat nung babae yung mukha ni Jamila nang biglang pumagitna si Cassy.
"Try to touch your dirty hands on my friend's face. You will see your nightmare" pananakot sa kanya ni Cassy na kahit ako ay natakot. Ang seryoso kasi ng mukha nya. Nakakataas ng balahibo!
"Tsk! At sino ka naman para takutin ako ng ganyan?! Para ka lang langgam na pwede kong apakan! And besides diba pinlastik ka nyang si Micka? Bakit parang aso ka ngayong lapit ng lapit sakanya?" sagot sa kanya nung babae.
"At sino namang nagsabi sayo na pinlastik ko sya? Edi sana lumulutang nako ngayon sa tubig? Diba parang ang astig naman non? Pero alam mo yung mas worst? Yung kasing amoy mo yung sinunog na plastic" kalmang sabi ko sakanya.
Partida dipa ko galit nyan.
"How dare you?! Malande ka! Mang-aagaw---"
Huminga muna ako ng malalim staka ako pumunta sa pagitan nila.
"Enough! Maka-sabi ka naman ng mang-aagaw, bakit sayo ba sya?! Tsk pero para sa katahimikan mo. I'm gladly to say that hindi kami ni Jaydee. Sayo na sya. Go! Kung papatulan ka nya. Atleast hindi kami diba? Masaya ka na?! So die b*tch!" sabi ko sa kanya nang seryosong nakatingin sa mga mata nya. Pansin ko naman ang pag-ngisi nang mga kasama ko.
"Talaga?!" ngumisi sya at akmang sasampalin ako.
*Pack!*
Pero agad ko syang inunahan.
"Para yan sa pandadamay mo sa mga kaibigan ko!" sabi ko.
*Pack!*
Sampal ko ulit sa kanya sa kabilang side naman.
"Para naman yan sa mga kalokohang pinagsasabe mo sakin!"
*Pack!*
Huling sampal ko sa kanya na halos pa 360 degrees na!
Well.
Remember my title? Whole monster.
"Para naman yan sa kagustuhan ko. Wala lang trip ko lang"
"H-how dare you?!" halos ma-iyak na sya sa sakit na natamasa nya sa sampal ko. Shocks! Mukha ng ketchup yung mukha nya!
Na miss ko tuloy ma detention. Mas malala pa nga kaysa dito yung ginagawa ko dati ih. Lalo na sa labas ng school.
"Inu-ulit ko. Hindi kami ni Jaydee" sagot ko ulit sa kanya.
"Wag mo kong gawing tanga Ella! So bakit kayo laging magkasama?! Ganyan ka ba talaga ka lande?!---"
"How I hate those words. Who the hell told that to our girl?!" napalingon kami sa likod.
Napalunok ako. A-anong ginagawa nila dito?! Ang Paint it Black!
"A-Ace?" nangangatog na tanong nung babae. Kahit naman kasi ako nagulat sa biglaang pagsulpot nila.
At kahit ako matatakot talaga. Mga walang emosyon ang mukha nila.
Agad silang lumapit samin.
Si Razzel na biglang ngumiti sabay kindat sakin. Nakita ko rin ang pag-akbay nya sa namumulang si Zhyra.
What the--- bakit parang hindi ako aware sa nangyayare sa kanila?
Si Vixen na kumaway sakin sabay akbay kay Mae.
Si Reinz na nakatingin sakin. At nanlambot ang tuhod ko sa nakikita ko. Nakakatakot sya. Galit ang nakikita ko sa mga mata nya.
Grabe yung mga tingin samin nung mga studyante at hindi makapaniwala yung mga mukha nila. Shockss! Nagkakagulo na sila!
Napalinga-linga ako.
"Inaantay ka ni DJ sa labas" bulong sakin ni Ace.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang sya sakin staka nya ko hinayaang umalis.
Paalis nako nang marinig ko ang sinabi ni Reinz na naging dahilan kung bat ako napahinto.
"I missed you" bulong nya. Biglang lumambot ang tingin nya sakin.
Nginitian ko naman sya.
"Same" pagkasabi ko non tinanguan ko sya tsaka ako tumakbo paalis. Pansin ko ang pagdami ng mga nagtitiliang mga studyante. Yung iba gulat, yung iba kinikilig.
Anong trip nila? Bat sila pumunta dito?! Alam naman nilang pagkaka-guluhan sila!
Wala ba silang pake?!
Sikat sila!
At siguradong pinagkakaguluhan na sila ngayon!
***•••**"
Jamila Lopez
Wooooh! Grabe nakaka stress ang mga paganap ni tadhana ngayon ha!
Hayssst pero di mapagkaka-ila na lahat sila galit dahil sa ginawa ng mga babaeng to kay Ella. Maswerte si Ella at may mga ganitong tao na nagmamahal sa kanya.
"Your name?" pormal na tanong ni Ace dun sa babae.
"A-ah Fiona p-po. Ah hihihi. F-fan nyo po ako! Gosh! Di ako makapaniwala!---"
"You know what? You look so desperate" sagot ni Ace.
Ow! Barss b*tch!
"A-ano?" nauutal na sagot nya at sobrang napahiya talaga sya don.
"Jaydee Avila is the new owner of this campus now and he told me that he wants you to drop out in this school. Don't worry naka-ready na lahat ng papers mo. Ang kaylangan mo na lang gawin ay umalis dito. He don't want you to see here again. Are we clear?" seryosong sabi ni Ace.
Napaluha na lang ang babae tsaka sya napaluhod.
Halos lahat ng kabataan kasi pangarap na makapasok sa campus na to at sobrang malas nya talaga!
"And besides, don't you dare try to say that words again to her. To my girl" biglang sabi ni Reinz.
At halos lahat kami nanlaki ang mga mata.
Seryoso ba sya?
"What are you talking about?" seryosong tanong ni Ace kasabay ng pagtingin nya ng masama kay Reinz.
Tumingin naman sya sa lahat.
"Everyone. Hindi boyfriend ni Ella si Jaydee. I officially announce to all of you that Ms. Mickaella Vergara is my girlfriend" and with that halos malaglag ang panga namin sa pagka-gulat.
Nanatili ang katahimikan hanggang sa magkaroon ng bulungan.
Wrong move Reinz.
"Ano bang sinasabi mo ha?!" akmang susuntukin na ni Ace si Reinz pero agad syang inawat nila Razzel at Vixen. "Siraulo ka ba ha?! Alam mo ba yung ginagawa mo?!---" dugtong nya.
Agad naman akong pumagitna sa kanila.
"Guys stop! Alam nyo ba kung bat kayo nandito? I thought you all here para ipagtanggol si Ella? What the hell! Kung nakikita kayo ni Ella swear madi-dissapoint yon. So guys please stop this, and" lumingon ako dun sa babaeng paaalisin na dito sa school "Make this girl suffer" sabay ngisi ko.
We're not yet done girl. Maling kinalaban mo kami. Especially sa pagbangga mo sa dear bestfriend ko. Sa pagbangga mo sa Muse ng Paint it Black.