Chapter 8 (Destiny?)

1597 Words
Destiny? Mikaella Vergara "Kamusta yung lakad mo kanina?" biglang tanong ni Reinz habang kumakain kami. Ganito yung pwesto namin. ---Jaydee--- Ako --- Ace Reinz --- Razzel Vixen Tumingin muna ako kay Reinz bago sya sagutin. "Ayos naman." matamlay na sagot ko. "Hoy babae! Bat ang tamlay mo?" tanong sakin ni Jaydee. Anong sasabihin ko eh hindi ko rin naman kasi alam yung dahilan. "Yah Ella. You look so pale. May sakit ka ba?" sabay hipo ni Reinz sa noo ko na ikinagulat namin kaya napausog ako. "Tsk" rinig kong singhal ni Jaydee "Hehe. Okay lang ako" nahihiyang sagot ko. "Grabe Ella. Ang sarap ng mga luto mo. Kaya ka pala nalate sa concert namin. Ang effort mo naman" masayang sabi ni Razzel. Napayuko ako. "Salamat" sagot ko. "Ah. Razzel, yung task mo. Ikaw ng bahala sa media about Ella" utos ni Jaydee. "Yup!" sagot ni Razzel. Hey Ella. Come on! Anong nangyayare sakin? Parang kanina lang sobrang saya ko ha? Hayst. Weird. ***•••*** Ace Xander Posible kaya yon? Kamukhang-kamukha nya yung ina-admire ko hanggang ngayon. Haysst nasan na kaya sya? Tulad ni Jaydee. Hinahanap ko rin yung firstlove ko kaso pano ko magagawa yung research sa paghahanap sa kanya kung simpleng pangalan lang ng taong mahal ko hindi ko alam. Yah! Hindi ko lang sya basta ina-admire. Sya yung first love ko. Ang unang babaeng minahal ko except kay Mom ofcourse. But now, I don't know where she is. Araw-araw ko syang pinadadalhan ng sulat noon nung nag-aaral pa ko sa school. Same school kami noon. Kaso ngayon home study na kami. Kaya nagulat na lang ako ng malaman kong nag-transfer na pala sya. Kasabay non ang biglang pagtahimik at pagiging cold ni Jaydee. Grabe diko man lang nalaman o natanong ang pangalan nya. Pero pinangako ko na pag-nahanap ko sya. Hindi ko na sya papakawalan. Pero di ko maiwasang hindi isipin ang pagkakatulad ni Ella sa kanya. Kaso iba si Ella. Kulot at maypagka-kulay blonde ang buhok ng fist love ko. Samantalang si Ella, straight at black na black ang buhok. Pero kasi, magka-mukhang magkamukha talaga sila. Cause I'm always staring at my girl before. Pareho sila ni Ella ng mata. Kumikinang yon, napaka-ganda. Pareho din sila ng ilong, sakto lang ang tangos. Ganun din ang mga labi nila na kulay strawberry lagi, normal na color ng lips nya. At higit sa lahat ang mga nakaka-akit nilang mga ngiti. Yung tipong kahit ang lungkot mo gagaan na lang bigla yung loob mo makita mo lang syang ngumiti. Pareho sila at hindi ko maiwasang isipin na baka ang taong matagal ko ng hinahanap at si Ella ay--- "Ella yung gilid ng labi mo" napatingin ako kay Jaydee sunod kay Ella. May bakas ng pagkain sa gilid ng labi nya. "Ha?" naguguluhang tanong nya. Hayst. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko tsaka ako tumayo at pinunasan ang gilid ng labi nya. Magkatapat lang naman kami kaso sakto rin naman na dapat pupunasan na ni Reinz ang gilid ng labi ni Ella pero mas nauna ako. "Tss" sabay tayo ni Reinz at alis nito. "Ah hehe ako na. S-salamat Ace" nahihiyang sabi ni Ella sabay kuha ng panyo sa kamay ko. "Problema non?" tanong ni Vixen habang nakaturo sa direksyon na pinuntahan ni Reinz. "Ehem" sabi naman ni Razzel na parang naiintindihan ang nangyayari. Nagulat naman kami ng biglang tumayo si Jaydee at bakas ang walang emosyon sa mukha nya na parang galit? Tsaka sya umalis. "Anong problema nung dalawang yun?" naguguluhan ulit na tanong ni Vixen. "Naturingang may jowa ka pero wala kang alam sa nangyayare" pang aasar sa kanya ni Razzel. "Ahm guys iiwan nyo ba ako dito sa baba? Kasi diba mag huhugas pa ko? P-pwedeng samahan nyo muna ako dito?" nag-aalalang tanong ni Ella. "Ella salamat sa masarap na pagkain kaso marami pa kong aayusin sa media kaya kaylangan ko ng mauna. Magpasama ka na lang sa dalawang yan. Babyeee" sabay takbo paakyat ni Razzel. "Ako na..." sagot ko. "Yown! Thankyou bro! Mag iisip pa lang sana ako ng dahilan ih. Oh Ella si Ace na ang bahala sayo. Goodnight" sabay akyat naman ni Vixen. Tinitigan naman ako ni Ella kaya medyo nailang ako. "Sigurado ka?" tanong nya "Ay hindi. Wag mo na pa lang sagutin, baka magbago pa isip mo ih" natawa naman ako sa sinabi nya. ***•••*** Mikaella Vergara Habang nag-huhugas ako medyo nakakaramdam ako ng ilang. Pano ba naman ramdam ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Ace. Mas angkop siguro yung salitang titig. Nakatitig sakin si Ace. Makatitig naman sya. Bat piling nya ba babasagin ko tong mga plato nila? Bantay na bantay ha! "Ah hehe. Okay lang pala kung mauna ka na sa taas" naiilang na sabi ko pero labag yon sa loob ko. Gosh nakakatakot kaya! Dahil itaga man sa bato, sobrang takot ako sa madilim. Lalo na pag mag isa ako. "No. I insist, aantayin kita. Teka, naiilang ka ba sakin?" biglaang tanong nya. Napaiwas lalo ako sa kanya ng tingin "Sino? Ako? Hindi no! Bat naman ako maiilang sayo!" napangiti naman sya sa sagot ko. Napayuko naman ako. "Nagka-boyfriend ka na ba?" napa-ubo ako sa biglaan nyang tanong. "Huh? Sino? A-ako?! H-hindi pa" sagot ko naman. Bat ako nauutal?! The heck! "Walang nanligaw?" napamaang naman ang panga ko sa tanong nya sabay taray ko sa kawalan. Huminto ako sa paghuhugas ng pinggan staka ko sya hinarap. "Anong walang nanliligaw? Hello! Ang dami ko kayang manliligaw! Anong tingin mo sakin?! Panget?! Para sabihin ko sayo, ang dami kong manliligaw nung high school ako. Actually, may isa akong admirer. Lagi nya kong pinadadalhan ng letters ha! Ano meron ka non ha?! Wala diba?! Wala kang admirer na mahahanap gaya nya! Ha! Alam mo ba isa sa sinabi nyang sweet sakin? Matatawa ka talaga" huminto ako saglit staka huminga ng malalim "He said 'You don't meet people by accident. There's always a reason' Tas alam mo ba, may isa syang sulat sakin na diko magets kung anong point kung bat nya yon sinulat. Yung pinaka unang sulat nya sakin---" nahinto ako sa pagsasalita ng bigla syang nagsalita. "Once upon a time something happened to me. It was the sweetest thing that could ever be. It was a fantasy. A dream come true. It was the day that I met you" seryosong sabi nya habang nakatingin sakin. Napalunok ako sabay iwas ng tingin. "T-Teka, how... I mean pano mo nalaman yon? Ow! Siguro dahil nabasa mo na rin sa mga qoutes yon no? Anyways, basta ang unique nya no? Wala eh. Kahit diko ka close na f-fall sakin. Well, ako lang to. Isang Mickaella Vergara" sabay tawa ko. Umiling-iling ako habang tumatawa tsaka ako bumalik sa paghuhugas. At halos manigas ako sa pwesto ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Ace sa bewang ko What the--- May sapi ba to?! Nabitawan ko yung mga hawak kong pinggan dahil sa ginawa nya. "One minute... Just give me... Only one minute... Please" biglang sabi nya. "A-ano kasi Ace---" hindi ko alam yung sasabihin ko. Naba-blanko ako! "Thankyou for coming back again. I promise this time I won't let you go again" sabi nya ulit sabay bitaw sakin at akyat nya sa taas. Napabuga ako sa hangin. Wah! Problema nya?! Ace Xander Now I know, sya nga. Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon. Ang gusto ko lang bumalik sya. I met her nung first year namin sa highschool. Na lock sya sa isang room ng uwian time na. Gabi na non pero nasa school pa ko kasi pinarusahan ako ng isang teacher non dahil sa pagtulog ko sa klase. Sobrang tambak ko sa gawain non sa school. Then nang pauwi na ko habang naglalakad sa corridor nakarinig ako ng parang umiiyak. At first nagtaka ako. Alam ko na ako nalang ang nasa school na yon at that time dahil sobrang gabi na rin. Pero dahil sa curious ako, hinanap ko kung san nanggagaling yung iyak. At namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na ng isang kwarto. She was crying ng sobrang tagal. Nairita pa nga ko non kasi ilang taon na sya pero iyakin pa rin. Nung nabuksan ko yung pinto ay nagtuloy tuloy lang sya sa paglabas habang nagpupunas ng luha sa mukha nya. Nakasabay ko sya sa paglalakad non at nung tahimik na ang paligid ay tsaka sya nag salita. Akala ko non wala na syang planong magsalita pero ginawa nya. Napag alaman ko non na may nagkulong sa kanya don sa room na yon. Nagkataon pa na yon ang greatest fear nya. Ang makulong sa madilim na kwarto ng mag isa. Akala ko last na pagkikita na namin yon pero hindi. Na detention ako dahil sa pagtulog sa klase samantalang sya naman ay na detention dahil sa pakikipagpisikalan. Hindi kami nagkikita sa detention dahil magkaiba ang kwarto ng lalake sa babae pero manipis lang ang pader kaya rinig namin ang tunog mula sa magkabila. Lagi syang nadedetention dahil sa pakikipag away na hindi ko naman alam ang dahilan samantalang ako naman ay parang ginusto ko nalang laging ma detention para marinig lang ang boses nya. But one day nag stop ang lahat. Mula sa lonely na sya, nagbago ang lahat. Bigla syang nagkaroon ng dalawang babaeng kaibigan dahilan para mahinto na sya sa pakikipag away. Nahinto sya sa pagdedetention. Naging okay sya. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na gumagawa na ng mga letters para sa kanya. My bored life became colorful because of her. And now she's here. What a destined?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD