Chapter 12 (His Side)

1087 Words
His Side Mikaella Vergara "San kayo galing?" bungad samin nila Vixen ng maka-pasok kami. "Sa pool area lang babe. Kayo?" balik na tanong naman ni Mae kay Vixen. "May mga naka-kwentuhan lang. Ikaw DJ?" tanong naman ni Vixen kay Jaydee. Napunta naman ang buong atensyon ko kay Jaydee. "May kinausap lang" seryosong sabi nya. Tumango-tango na lang kami. "Ahm. Hey! Bro Vixen. Ikaw ba yan?" bigla kaming napatingin sa tatlong lalaking biglang sumulpot sa table namin. "Ow! Daili, Max, Zack buti nakadating kayo. Upo kayo" pag-aaya ni Vixen sa mga kaibigan nya. Napatingin ako kay Jaydee pero nakatingin lang sya sakin at parang ang lalim ng ini-isip nya. Shocks! Parang biglang nag pump ng sobrang lakas yung heart ko. Ano ba naman kasi. Makatingin wagas. Ano bang problema nya? Napakurap kurap ako ng maramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko. The heck! Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Pero sya ramdam kong naka-tingin padin sya sakin. "Ah guys. This is my girlfriend. Mae. Our birthday girl and this is my friend Jaydee" sabay turo nya sa katabi ko. "How 'bout that gorgeous lady" sabay turo sakin nung Daili ata. "Ahmm. Hi" nai-ilang na bati ko. "Ahh sya naman yung bestfriend ni Mae. Si Ella" pagpapakilala sakin ni Vixen. "Hi nice to see you" sabay abot nya sakin ng kamay nya kaya nakipag-shake hands na rin ako sa kanya. Nakakapagtaka dahil nung bigla kong hinawakan ang kamay nya ay may something akong naramdaman. Kakaiba. Hindi ko ma-explain. Dapat ba kong kabahan? Mga ilang segundo pa bago ko binawi ang kamay ko mula sa kanya. "Grabe bro. Ang tagal din nating di nagkita. Balita ko sikat ka na daw. Anong grupo nga ulit yun?" tanong nung Max ata. "Tol Paint it Black yon. Hayst wala ka talaga sa uso eh noh? Pag pasensyahan nyo na to ha. Taga bundok ih" asar sa kanya nung Zack ata. "Oo bro. Member nga ako non. Tas eto si DJ yung leader namin. Besides, he is one of the famous young artist hindi lang dito sa bansa but in the whole world" pagyayabang ni Vixen sa profile ni Jaydee. "Ow great" nangingiting sabi ni Daili. "Wow ang cool mo pala noh? Pa-authograph naman mamaya oh" manghang-manghang sabi ni Mae. Natawa naman kami sa sinabi nya. "Hey babe sikat din naman ako ha" pagtatampo ni Vixen sabay pout nya kaya lalo kaming napatawa. Napansin ko naman ang pag-ngisi ni Jaydee hindi ko nga lang alam kung para kanino yung pag-smirked nya. Ah basta. Hanggang sa tumugtog yung romantic song. Napatingin naman ako kay Mae. "Uy Mae. Kaylangan talaga may pa romantic song ka? Birthday mo pero parang prom natin to ih" natatawang sabi ko. "Sira ka! Wag kang bitter jan. And besides anong silbi ng magandang gown mo kung di mo ibabalandra sa gitna" Mae said. Nang biglang tumayo si Vixen at nilahad nito ang kamay nya sa harap ni Mae, ina-aya nya tong sumayaw. "Can I dance you miss gorgeous?" natatawang sabi ni Vixen. Natawa naman kami. "Oh pano girl? See ya nalang ha?" bigkas ni Mae bago nya tinanggap ang kamay ni Vixen tsaka sila pumunta sa mga nag-sasayawan. Napatingin-tingin naman ako sa paligid sabay hinga ko nang malalim. "Can I have a dance with you?" napatingin naman ako sa lalakeng nakatayo sa kanan ko. Si Daili. Sa totoo lang ayoko ng mga ganitong scenario pero ayoko namang maging harsh sa ibang tao. Ngumiti muna ako sa kanya tsaka ako humawak sa kamay nya. Tatayo na dapat ako nang--- Biglang may humawak sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako dun hanggang sa isang lalakeng may hawak ng kaliwang kamay ko. "Jaydee" nasambit ko na lang pero nakatingin lang sya ng seryoso sakin. Ano bang problema nito?! Bakit ba sya nakahawak sa kamay ko?! Waaah! Hindi nya ba alam ang epekto netong ginagawa nya?! Bwiset ka Jaydee! Yan tuloy! Waaah! Piling ko ang pula-pula ko na! "Jaydee?" ulit kong tanong sa kanya. Tumayo naman sya at humarap sakin habang hawak ang kamay ko. "Can I have a dance with you?" tanong nya "Micka?" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko sa kanya ang pangalan ko. Teka---na-naaalala nya na ba ako?! I mean nakikilala nya na ba ako?! Pero pano?! Kelan pa?! Nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nya. Naramdaman ko na to dati. Yung unang kita namin sa role play. Nagkatitigan kami non habang binibigkas namin yung mga lines namin. Ngayon magkatitigan ulit kami. Pero hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Magiging masaya ba ko dahil nakikilala na nya ako? Hindi ko alam. "Yes" wala sa sariling sagot ko sa pag-aya nya. "Wait. Ella. Ako ang unang nag-aya" napalingon ako kay Daili. "Thankyou. But my priority first" tsaka ako bumitaw sa kanya. Nginitian ko muna sya bago ko sya tinalikuran. "You need to hear me. We need to talk" hindi ko na naintindihan ang ibig sabihin ni Daili sa sinabi nya kaya nagpatangay na lang ako kay Jaydee sa stage. ***•••*** Ramdam ko ang kaba habang sumasayaw kami ni Jaydee. Nakapulupot ang kamay nya sa waist ko habang ang mga kamay ko naman nakakapit sa batok nya. Ni hindi ko sya matignan sa mga mata. Habang ramdam ko naman ang mga mata nya na nakatitig sakin. Hayyst ano bang problema nya?! Matagal kaming nag sway sa pag sayaw. Pero patuloy lang namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa nagsalita na ko. "Jay---" "Micka. Hmm. You remind me of someone special to me" bigkas nya na ikinahinto ko sa pag sayaw. Napalunok ako. Impossible. Hindi totoo yon. Hindi nya ko naalala. Imposibleng ako yung tinutukoy nyang special tsk! Naramdaman ko ang paghigpit ng mga kamay nyang nakapulupot sa bewang ko. "T-talaga?" naiilang na tanong ko. Nagulat ako ng bigla nyang isiniksik ang mukha nya sa leeg ko. Naramdaman ko agad ang kakaibang feeling na biglang dumaloy sa katawan ko papunta sa leeg ko. "Before. Bago ako maging sikat tulad ngayon. I had a car accident and lot of my memories lost. Pero ang hindi ko malilimutan ay yung araw na nakilala ko sya nang maigi. Yung first time namin makapag-usap. Pero hindi masyadong detalyado. I tried to remember some scenario of her with me... but I can't" sabay layo nya sakin. Nang magkaharap kami ay nakita ko ang kakaibang emosyon na namumuo sa mga mata nya bago sya lumabas papuntang pool area. Nagulat ako sa sinabi nya. That can't be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD