CHAPTER 30: Love story Nakakainip! Hindi ko tuloy maalala kung bakit ako nandito. Kanina niya pa ako kinukurot, hindi niya ba alam na kanina pa ako nagtitimpi dito. kung ako maubusan ng pasensya sasapakin ko na siya. Hindi naman kasi close. Sinamahan ko lang siya dito pero hindi ko pa alam ang pangalan niya basta ang sabi niya lang nag wo-working student siya at umalis daw siya sa kanila kasi inaway niya ang anak ng amo niya? Gano'n ba 'yong kwento niya..haisstt bahala nga siya. Binalik ko na lang ang paningin ko sa malaking screen at kumuha ng pop corn. “Kung noon mo pa sinabi sa akin 'to hindi sana mangyayari sa ganito, Stephen! Sana noon pa nakakapasok rin ako sa school at nakakasama si Joann maging si Lola Carol o si Tita. Pero alam mo sarili mo lang ang iniisip mo!” “I’m sorry…

