Chapter 7: Papa
“Buhatin niyo na ‘yan! Kung hahayaan natin d'yan baka masagasaan–”
“U-umaga na ba? B-Bakit ang iingay n-niyo?” Minulat ko ang aking mga mata dahil sa ingay na naririnig ko.
Nang maalala ko kung nasaan ako at kung ano ang nangyari ay sinubukan kang tumayo agad pero hindi kaya ng katawan ko.
Bumaksak ulit ang katawan ko sa sementong daan dito. Gusto ko ng bumangon dahil ramdam kong mga ilang minuto na lang ay malet-letso na ako.
“Tumayo ka na d’yan, may naririnig akong dadaanan ng isang malaking truck–”
“S-sa palagay ko hindi truck kundi isang sasakyan na kasing laki ng barko.”
“Imposible kung may gano'n. Paniguradong sasakyan ng pulis patalon ang dadaan–”
Bakit kaya nandito pa ‘tong mga ‘to? Ako pa tinatakot nila.
“B-buhatin niyo a-ako,” nahihirapang utos ko.
Nakita ko naman na agad kumilos ang tatlo. Pero pinigilan ko muna sila. Feeling ko tuloy mga m******s sila–
“Saglit lang! U-umayos kayo! Kayong dalawa, hawakan niyo ako sa b-braso. K-kaya ko namang tumayo.”
Naka-alalay pa rin ang dalawa sa akin habang naglalakad kami. H-hindi ko alam kung saan ba balak ng dalawang nasa unahan pumunta.
Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Naalala ko tuloy ang pera, hindi ko binigay sa nakalaban namin kanina ‘yon.
“S-saglit lang! Huminto kayo, nasaan ang pera?” tanong ko sa kanila.
Nagsitinginan pa silang lahat at parang may balak pang magtalo kung nasaan ang pera.
“H-huwag na kayong magkaila at baka makatikim kayo sa akin. Kakain ako sa malapit na karinderya do'n oh!” maawtoridad kong sabi at sabay turo sa kalapit na karinderya.
Nagreklamo pa sila pero wala na silang nagawa dahil kumakain na ako. Kahit papano ay may pakinabang ang mga ‘to, sakto na ang 300 pesos sa aming apat.
Masaya sila habang kumakain pero paniguradong mamaya magsisihan ‘tong mga ‘to! Walang sinuman ang makakatiis sa gutom.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na umalis. Dala-dala ko pa rin ang school bag ko na may isang notebook lang. Saan kaya ako pupunta ngayon?
Lima lang ang nakalaban ko kanina pero ramdam ko pa rin ang p*******t ng likod, paa at braso ko. Pinagloloko ako ng apat na ‘yon, akala ko talaga malala ang natamo nila at mamatay na sila. Sa tuwing naaalala ko ‘yon gusto ko silang balikan at pag-untugin ang mga ulo nila.
Mabuti at napatumba ko ang nakakilala sa akin kaya nagsialisan sila. Sana naman hindi ito makarating kay kuya Ginro.
Hindi pa ako nakaabot sa third road ay naabutan na ako ng ulan. Isang liko na lang at kaya ko ng takbuhin hanggang doon malapit sa warehouse.
Sumilong ako sa waiting shed. Ang lakas ng ulan p'wede akong maligo na lang kaso wala na akong lakas. Sumandal ako sa pader at pinagmasdan kung hanggang kailan tatagal ang malakas na ulan.
Ang init kanina tas bigla na lang uulan ng ganto kalakas. Ang totoo may galit pa rin ba sa akin ang panginoon? O ang panahon?
Napabuntong hininga ako at pinikit na lang ang aking mata. Sana walang mangyari sa akin dito hanggang sa magising ako.
“Gagawin ko po ang lahat basta tulungan niyo lang ako. Sige na po, wala naman kayong ginagawa rito. Madali lang naman ‘yon may plano na ako.”
“Promise niyo ha, mamaya dadalhan ko kayo ng suman at puto na gawa namin ni mama. Basta sabi niyo tutulungan niyo ako.”
“Papa! Papa! P-papa...”
“P-papa, ‘wag kayong mag-alala. D-darating ang mga kaibigan ko, ‘di ba sabi ko sa inyo marami akong kaibigan? Tutulungan nila ako gaya ng sabi nila no'ng nakaraan...”
“Tulong! T-Tulungan niyo kami! Parang awa niyo na tulungan niyo po ako...”
“PAPA!”
“Nanaginip ka.”
“A-Andrei? N-nasaan ako? Nasaan si Papa!? Anong nangyari? Kumusta siya?”
“H-huminahon ka. H-Huminga ka ng malalim. N-nandito ako sa tabi mo kaya wala kang dapat na ipag-alala.”
Sinunod ko ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim. Mahinahon ako.
Gusto ko siyang yakapin pero hindi p'wede. Hindi ako p'wedeng umiyak. Hindi na ako iiyak! Hindi na!
“Maiba ang usapan. Anong nangyari sa 'yo? Kitang-kita ang mga pasa mo sa mukha?” seryoso niyang tanong.
“G-gusto ko matulog. Iwan mo m-muna ako–”
“Tatlong oras kang tulog simula ng hiniga kita d'yan. Alam ni mommy ang kalagayan mo,” paliwanag niya.
Napakamot na lang ako sa ulo. Kainis naman siya.
“H-hindi ka man lang marunong maghanap ng palusot...”
“Basang-basa ka at si Mommy ang nagbihis sa ‘yo. Wala akong magagawa kundi ipaalam sa kaniya.”
“O sya, sige na. Salamat na lang, pero t-teka ba't wala ako sa kwarto ko?” nagtatakang tanong ko.
“Uuwi raw si Tita mamayang gabi. Maganda na ‘yong makita niya ang itsura mo–”
“K*ngina naman!” Napamura na lang ako wala sa oras.
Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. ‘Wag niyang sabihin gusto niya talagang makitang mag-away kami ni Mama.
“May lagnat ka sabi ni Mommy. Dito ka muna kukunin ko lang ang mga notes na binigay ni Aki.”
“Ayoko mag-aral at wala akong lagnat. Malakas ako Andrei, alam mo ‘yun ‘di ba? Tatayo na ako–”
“Ang tigas ng ulo mo! Gusto mo bang palambutin ko yan!?” may halong pagbabantang sabi niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya at nagtaklob ng kumot. Naramdaman kong lumabas na siya at nang maalala ko ulit na nandito ako sa kuwarto ng babaeng ‘yon ay napabangon ako.
“Paano kaya ako nakita ni Andrei?” tanong ko sa sarili.
Pinilit kung tumayo at naisipang lumabas ng bahay. Dito na rin ako dumaan sa bintana at baka may makakita sa akin kung sakaling doon ako mismo dadaan sa pintuan.
Palubog na ang sikat ng araw at siguradong mag-iiba na naman ang panahon. May bagyo ba?
Talagang walang mga tao rito sa labas lalo na kakatahan lang ng ulan.
Bahala na nga maputikan itong tsinelas ko na panloob. Alam ko naman na hahanapin ako ni Andrei. Hindi ko alam kung paano makabawi sa kaniya at hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay pinapakita niya pa rin ang halaga ko.
Sobrang tagal na rin ng nangyari ‘yon, bakit kaya inaalagaan niya pa rin ako?
Kung maabutan ako ulit ng ulan ngayon habang naglalakad dito sa labas ay p'wede akong umiyak.
I miss him. Yes, I did. I badly miss...
Papa