CHAPTER 35: Meeting Chloe P.O.V Binuksan ko ang bintana ng kotse at masayang tiningnan ko ang ibang estudyanteng naglalakad papunta sa school. “Hey! You--” tawag ko sa isa sa kanila at tinuro siya. “Oo, Ikaw nga!” Naguguluhan siyang tumingin sa mga kasama niya at sa akin. Siguro, nagtataka siya kung bakit ko siya tinawag. Dapat lang na magtaka siya! “Come here!” sabi ko at lumapit naman siya. Kinuha ko ang Coke in can na malapit sa driver, bigay 'to ni yaya Joy sa kaniya. Mas pinalapit ko pa ang isang estudyante na aking tinawag kanina at ngiting kong iniabot sa kaniya ang Coke. “Nakakaawa ka, sa 'yo na ito at sana tanggapin mo,” nalulungkot na sabi ko sa kaniya. Nakita kong ngumiti siya at akmang niyang kukunin sa kamay ko ang gusto kong ibigay sa kaniya pero hindi ko ito b

