CHAPTER 24: Ready!
Dumidilim na pero wala pa rin akong balak umuwi. Nakasunod pa rin ako sa apat na lalaki. Narinig ko na may hinahanap sila, hindi ko nga lang matandaan kung ano ang pangalan na binanggit nila.
Napasandal ako sa pader at huminga ng malalim. Nakita ko silang huminto sa maliit na tindahan at base na rin sa narinig ko naghahanap sila ng alak. Kung mag-iinuman sila hindi ko malalaman kung saan sila papunta.
Familliar sila sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko sila at sa tingin ko hindi rin 'yong unang beses kong sila pinasuntok ang unang pagkikita ko sa kanilang apat. Hindi ko masyadong matandaan kung saan ko pa sila unang nakita pero sobrang familliar no'ng isa sa kanila.
Napabalikwas na lang ako ng tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ko sa screen nakita ko ang pangalan ni Andrei. Mabuti na lang pala naging mabait akong bata nga'yon at hindi ko nakalimutan dalhin ang cellphone ko kahit wala naman silbi to sa akin.
“H-Hello, Andrei–”
“Where are you!?" Hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ko bigla na lang syang nagsalita at base na rin sa boses niya ay galit nga siya.
“Hmmm..pa-uwi na rin ako. Nandyan ba si–”
“Wala siya dito pero si Kuya Ginro, Oo. Umuwi kaagad!”
“T-Teka, Andrei may sasab–”
Bigla niya na lang pinatay ang tawag. Ang sama talaga ng ugali. Sinilip ko sila pero mukhang mga lasing na nga kaya nagsimula na akong maglakad pauwi.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na nasa bahay si Kuya Ginro eh paniguradong sumama lang 'yon dahil gusto ni Ginno puntahan si Andrei.
Pumara na ako ng taxi at agad na sumakay. Pagkadating ko sa bahay ang tahimik naman.
Wala ng ilaw sa sala baka wala si Tita o baka may pinuntahan tapos hindi pa umuuwi. Binuksan ko ang pintuan at binuksan ang ilaw. Tama wala ngang tao. Saan naman kaya sila pumunta tapos hinayaan lang nila nakabukas ang pintuan.
Chi-neck ko lahat ng sulok at baka gusto lang nila maglaro ng tagu-taguan pero wala kaya naisipan kong tawagan na lang muna si Andrei pero can't be reach siya. Napatakip naman agad ako dahil sa naisip. Tama, masyadong oa at imposible naman kung may mang hold-up sa kanila.
Umakyat na ako sa kwarto at ni lock ang pintuan.
“Ang puti naman ng kisame–” Napahikab ako habang nakahiga sa kama. Nakaka-miss kung wala si Andrei kung nandito siya siguradong pinapagalitan niya na agad ako lalo na't hindi pa ako nagpapalit ng damit.
***
“Han! Han!"
“Bangon na d'yan! Wala ka bang balak bumangon!”
“Isa! Dalawa! Bubuhusan kita ng–”
Masyadong maingay pero napabangon na agad ako dahil sa narinig kong bubuhusan raw.
“Gising na–”
Humikab pa ako at nag-unat ng katawan sabay taklob ulit ng kumot. Pero bigla na lang akong gumulong at nahulog sa kama.
“A-aray..hindi ka man lang makapaghintay inaantok pa ang tao eh..”
“We need to go early at warehouse. Karl told me that–”
“A-ano!? K-kamo? T-Teka, Andrei huwag mo'ng sabihin na–” Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at bumangon na.
Dumiretso na ako sa CR at nagsimulang maligo kahit sobrang lamig ng tubig.
“Ang tigas talaga ng ulo, humanda siya sa akin mamaya.” Kung ano-ano na ang mga sinasabi ko rito. Hindi p'wedeng maabutan sila ni Kuya Ginro lagot na!
“Tapos na ako!” mabilis na sabi ko at inabot ang tuwalya ni Andrei sa kaniya.
“Bakit ka ba nagmamadali? May nangyari ba? By the way, where have you been last n–”
“Hindi ba dapat kayo ang tanungin ko kung nasaan kayo? Pero mamaya na 'yan bilisan mo na Andrei."
“5 o'clock pa lang mga 6:00–”
“Mauna na ako sa'yo!” Lumabas na ako ng kwarto at iniwan siyang nagsasalita pa. “Dito na ako sa baba magbibihis!” dagdag ko pa.
“Your too load, Mom gonna hear you!”
Ingay! Aga-aga. Pero ano kaya nakain niya at mukhang good mood siya ngayon. Edi sya na, good mood. Lagot talagang Akiro sa akin mamaya 'yon.
Matapos kong suotin ang uniform ko ay binuksan ko ang ref at para makahanap ng makakain. Gutom na gutom ako. Naalala ko nga pala pag-uwi ko rito sa bahay dumiretso ako sa kwarto at nakatulog na kaya naka-uniform pa rin ako kanina.
“Ang dami namang pagkain dito, saan kaya nila ito napulot? Wow, may pineapple tamang-tama naka slice na!”
Nilagay ko sa lalagyan ang naka slice na pineapple, kumuha na rin ako ng slice bread at nilagyan ito peanut butter. Hindi na kaya ng oras ko kung kakain pa ako ng almusal.
Speaking of Kuya Ginro, maaga 'yon pumunta sa warehouse siguro mga 6 or 6:30? Depende na rin sa mood niya. Feeling ko tuloy mga good mood sila nga'yong araw. Hindi ko pa nakikita si Kuya Ginro ano na kaya itsura niya?
“Hannah! Hindi ka sasabay sa akin?” Napatingin ako sa hagdan at si Andrei naka uniform na habang pababa ng hagdan.
Himala! Bakit naman kaya siya maaga? May gagawin ba siya?
“Ba't ang aga mo? Saan punta natin pare!?” biro kong sabi habang kumakain ng tinapay.
“Tumawag si Karl kagabi at sabi niya nakabukas at ilaw at pintuan ng warehouse–”
Napa-iwas na lang agad ako ng tingin sa sinabi niya bakit ko pa kaya tinanong?
“Andrei, mauna na ako. Mamaya na lang ako sasabay sa 'yo pag-uwi!” Nagmadali na akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko.
Bigla kong naalala ang jacket ni Karl kaya bumalik ulit ako kuwarto. Sinabi ni Tita na tinupi niya raw iyon at nilagay sa cabinet ko.
Bago ko kinuha ang jacket ni Karl ay napansin kong mabilis na kumilos si Andrei. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng plato. Siguro gusto niya talaga na sabay na kaming pumunta sa school pero next time na lang Andrei.
“Andrei, una na ako!” Paalam ko pero pinuntahan ko muna sa dining at ininom ang tubig niya.
Umangal siya at binatukan ako kaya nag peace sign na lang ako.
“Baon mo.. p-pera ko 'yan.” Napatigil ako sa inabot niyang One thousand. Ayaw ko man maniwala kung sa kaniya ba talaga 'yon pero kinuha ko na agad. Nakalimutan ko pa mag-thank you pero hindi na problema 'yon.
Masyado pang maaga kaya bihira lang may taxing dumadaan dito sa subdivision kaya naisipan ko na lang na tumakbo. Exercise na rin. Good for my health pero hindi kumakain ng agahan.
Balak ko sanang tawagan si Aki pero napamura na lang ako sa oras at napapadyak ng paa. Bakit ko ba naman nakalimutan 'yong cellphone?
Natatanaw ko na ang warehouse mula rito kitang-kita talaga na may tao sa loob.
“S-Salamat po, manong! Ingat kayo, good bless ang bait niyo po.” Kumaway ako kay manong ng makababa ako mula sa tricycle niya.
Nakakatuwa lang masyado kasi nga'yon na lang ulit ako nakakita ng gano'n? Pero ang mas nakakahiya hindi ko man naisipang magbayad baka naman kailangan niya ng pera. Okay na rin siguro at effective naman ang mga flower words ko hehehe pasensya na manong. Walang sukli 'yong pera na inabot ni Andrei kanina at wala akong balak gastusin 'yon malay ko ba baka ninakaw niya lang ang pera na 'yon sasakit pa ang tiyan namin pareho ni manong.
Tumakbo na ako at pumasok sa loob nasa dalawang palapag ito siguro nasa taas sila. Mga ugok talaga hinayaan pa nilang nakabukas ang pintuan 'yong ilaw din hindi nila sinirado kahit nga'yon na lumiliwanag na.
“A-Aki–” Wala akong naririnig na kahit anong ingay sa loob kaya nagpatuloy na lang ako sa ikalawang palapag.
Walang tao. Nasaan sila? Lumapit ako sa naka kumpol na upuan na tiyak ay ginawang kama.
Pero baka naman hindi sila ang pumasok dito pero huwag naman sana. Mag-aalas singko y media pa lang at siguradong may mga bampira at multo pa ang palaboy-laboy. Huwag naman sana nga'yon–
Nagulat ako at napatigil sa aking mga iniisip ng may tumakip sa bunganga ko. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. Pero bago ko pa ituloy i-describe o hulaan kung sino man ito ay binalibag ko ang kamay niya. Masyado siyang malakas kaya tinapak ko na rin ang paa niya at pwersahang binalibag ulit ang kaniyang kanang kamay sabay harap kung sino man siya.
Napadaing siya sa sakit at wala pa sana akong balak na bitawan ang kamay niya kung hindi niya sinasabi kung nasaan si Aki. Balak ba ng isang 'yon na magtago sa akin? So, pwes hindi siya makakalayo.
Napabitaw agad ako sa pagkakabalibag sa kaniya ng marinig ang mga yapak ng paa na papunta rito sa ikalawang palapag. Hindi p'wede! Sino kaya 'yon? Imbes na magtago ay nauna ko pang inayos ang mga upuan at dinampot ang damit na nasa sahig. May mga kalat rin na bottled water kaya pinagtapon ko ito labas.
“My uniform–” Inirapan ko siya pero napa peace sign agad ng maalala ko 'yong damit nasama kong itapon sa labas ng bintana. Nang mas papalapit na ang yapak ng paa na kung sino man ay parang naisip ko na lang din na itapon ang sarili ko mula rito sa bintana.
“We don't have a choice,” makahulugang sabi niya.
Napatingin ako sa pintuan sobrang papalapit na ang ang tunog ng mga yapak kaya inangat ko na ang isang paa ko sa bintana pero bago pa 'yon ay dalawang kamay at mga daliri na lang ang nakikita ko kay Lawrence.
“K-Kumapit ka sa likuran ko tapos s-sabay tayong tatalon–”
Napaisip tulog agad ako, kung sasabay kaming tatalon eh p'wede naman dito simula sa taas ay tatalon kami pababa. Sarap tuloy tapakan ang mga kamay niya. Ako pa ang nahihirapan sa ginagawa niya. Pero wala na nga akong choice medyo mataas kung tatalon na lang ako basta-basta kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Sobrang dulas ng kamay ko kaya nilagay ko ang isang kamay ko sa leeg niya at pinwersa ang siko ko sa balikat niya.
“A-Ang b-bigat mo. N-Nasasakal ako bibitaw na a–”
“T-Teka, anong sabi mo? Ang payat-payat ko na nga anong mabigat d'yan? Tsaka huwag ka muna bumitaw–” Gamit ang paa ko sinusubukan kong buksan ang bintana sa baba.
“s**t! I can't take this anymore!” daing niya.
“Huy! Teka, saglit lang huwag kang gumalaw ano ba!?" Para gusto ko na lang siyang bawian ng buhay. Siguro masakit na nga talaga ang kamay niya kaya sinusubukan niya itong galawin o baka naman balak niya na talagang bumitaw.
“A-are you done? L-let's go.. R-Ready?”
“Teka, wait lang wahhhh!!”
“s**t! Are you okay?"
Napatingin ako sa baba ang lakas ng kaba ko. Muntikan na akong mahulog buti na lang ay..
“Holy, s**t my pants!” Nanlaki ang mata ko at agad na napakapit sa bewang niya ng makita ko ang boxer niya. Brief ata 'yon?
“C-Come 'on let's go. I can't take this anymore! R-Ready?”
“N-Nangangalay na ako–" Wala siyang suot na damit kaya sobrang nakakadulas pa rin kaya napalipat akong humawak sa pants niya.
“Andrei! Hannah! A-anong ginagawa niyo!?”
“A-Aki! I-Ikaw–” hindi natuloy ang sabay naming sasabihin ni Lawrence ng makita si Aki dahil pareho na kaming bumitaw.
“Wahhhh!!”