Napailing na lang ako at nagpalit ng pwesto sa back seat. Siya pa talaga mag-da-drive, sana masira niya kotse ni Andrei para masaya. “Hindi mo ba kasama si Aki?" Para naman akong nabulunan sa tanong ni Andrei. “Bakit na naman? A-Anong kailangan mo kay Aki? Wala naman kaming ginagawang masama ah!.. Aray..” Binato ko naman ulit sa kaniya ang plastic bottle. Walang ibang sisisihin dito kundi si Ginno? Kahit kailan nag-iiwan pa rin siya ng mga gamit dito sa kotse ni Andrei. Hindi niya ba alam na love na love namin 'tong kotse at lagi itong malinis? Kapal talaga ng mukha niya habang nasa driver seat. “Sabihin mo kay Aki na puntahan si Maki do'n sa warehouse," sabi niya. “Ako ang nag-utos na wala munang pupunta ro'n habang hindi pa dumarating si Kuya Ginro.” Natawa naman ako sa sinab

