CHAPTER 1

1184 Words
Chapter 1: HELPING Hindi ko pa rin inaalis ang aking paningin sa aming dinadaan at nagbabakasakaling may estudyante akong makita. Bakit ba ang hirap para sa kanya na ibaba ako dito. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya, bakas pa rin sa mukha nito ang pagkairita dahil sa gusto ko’ng bumaba. Ibinalik ko na lang ang aking paningin sa daanan nang bigla may sumulpot na estudyante. “Ihinto mo!” nagmamadaling sabi ko. Tiningnan ko ulit 'yung nakita ko kanina, may mga humahabol sa kaniya at pumasok sila sa isang eskinita. Mukhang maganda to. “Wala naman,” sabi niya habang nakatingin sa labas. “Ano ba! Sabing ihinto mo!” pa-sigaw na sabi ko. Walang siyang nagawa at hininto niya rin ang kotse. Dali-dali akong bumaba . “Don’t worry, sasama ako kay Andrei mamaya pag-uwi,” sabi ko at ngumiti. Tumakbo ako nang mabilis papuntang may eskinita. Hindi ko sila makita, bale may tatlo kasing daanan at para’ng napakahirap na puzzle ito sa akin. Saan kaya p’wedeng tumakbo ang isang tulad ko kung sakaling may naghahabol. Hini-hingal na'ko sa kakatakbo pero hindi ko pa rin sila makita. Paglingon ko sa kabila, may nakita akong estudyante na ka-uniform ko at siya nga ‘yun. May punong mangga malapit sa kanila kaya doon muna ako huminto. “T-teka! Nakalimutan ko nga 'yong wallet ko,” sabi ng lalaki na ka-uniform ko . “At sinong pinagloloko mo?” tanong ng isa sa mga naghahabol. “A-ano…kung puwede isabay ko na lang sa Sabado,” may halong kabang tugon niya. Tatlong lalaki ang mga naghahabol sa kaniya at tiyak na may hinihingi sila. “Sana sinabi mo kanina pa at hindi tayo matatagalan!” sabi ‘nung mukang lider ng mga naghahabol.“Hawakan nyo!” utos niya sa mga kasama. “T-teka...totoo naiwan ko talaga ...” Pero bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin ay hinawakan na sya ng dalawa sa magkabilang braso. Akmang susuntukin na siya ng isa nang sumigaw ako. “Hoy!”sigaw ko at tumago ulit sa puno. “Sino 'yan? Lumabas ka d'yan!” sigaw ‘nung lider. Lumabas ako sa pinag-tataguan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko . “Hi!” may ngiting pagkakasabi ko. Medyo kumunot ang kaniyang noo at sabay tanong,"Ano’ng kailangan mo?" "A-ahmm…p’wede magtanong. S-saan yung daan papunta sa puso mo?" Haha. Wala na talaga akong ibang maisip na sasabihin pero hindi naman sobrang kapangitan itong sinabihan ko, sadyang madungis at maitim nga lang sya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka na para bang hindi niya alam kung anong sinasabi ko. Ang slow! "Ano’ng pinagsasabi mo?" pagtatakang tanong niya. "Ayaw mo? Gusto pa naman sana kita! Nagpapakipot ka ba?" sabay arteng ko’ng nagtatampo. Kita ko sa dalawang niyang kasama na natatawa at bakas din sa mukha ng ka-uniform ko ang pagtataka. "Ganon ba! Kayo'ng dalawa, alam na kung anong gagawin diyan sa isa,” sabi niya sa mga kasama. Tiningnan niya ako mula ulo’t hanggang paa na parang may binabalak siyang hindi maganda. Unti-unti siyang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako ng bigla kong binalibag ang kaniyang kamay. "Anong gusto mo halik o kamao ko?" may diin na tanong ko. "Aray! A-akala ko ba gusto mo ako?" Alam kong dumadaing na sya sa sakit pero kinuha ko rin ang isa nya'ng kamay at mas binalibag pa ito. “Ang babaw ko naman kung sakaling magkakagusto ako sa tulad mo,”sagot ko sa kaniya. Palapit ‘yung isa niyang kasama sa akin at bago niya pa ako masuntok, sinipa ko na ito sa sikmura. ‘Yung isa naman ayaw sumugod pero itong hawak ko ngayon ay mas dumadaing na sa sakit, walang magawa ‘yung isa kaya lumapit. Kaagad kong tinulak nang napakalakas itong amoy putok na'to papunta sa kasama niya, ayan tuloy mukha silang tukmol dalawa na nakadapa. Nakakatawa tuloy ang itsura nila dahil para silang nagla-lovemaking. Ramdam kong may kalaban sa likuran ko kaya bigla akong lumingon sa likod at siguradong matatamaan ako ng suntok, buti nga lang nailagan ko. Akmang susuntukin niya ako ulit ng inunahan ko sya. Hindi pa ako nakontento at tinadyakan ko sya sa may parte niya. "Sorry! Ang tigas ng ulo mo eh, ayan tuloy bugbog sarado ka honey!" sabi ko sa kaniya at sabay kindat ng mata. Hindi naman sila mahirap kalabanin, mabuti at hindi nadumihan ang aking damit. Hinarap ko ‘yung kauniporme ko, halatang gulat na gulat siya sa nangyari. Sa itsura niya halatang mayaman siya, ang linis niya at mukhang hindi siya sanay sa mga g**o. Medyo matangkad siya ng konti sa akin at ang mas nakakaagaw pansin sa kaniya ay ang name tag niya sa kanan. "Lawrence B. Garcia, " bigkas ko sa pangalan niya. "H-how did you know my name?" nauutal na tanong nito. "Sa name tag mo , t*nga!" inis na sabi ko. “Huwag kang mag-alala hindi kana nila masasaktan, tuturuan ko sila lagi ng leksiyon,” paliwanag ko sa kaniya. Nginitian ko siya at tinapik sa braso. Tiningnan ko 'yung tatlo, namimilipit pa rin sila sa sakit at buti nga sa kanila. "Sige! Una na ako sayo," pamamaalam ko. Mga naka-siyam na hakbang na ako nang sumigaw siya. "T-teka! Sabay na tayo pumasok!” Lumingon ako at tiningnan siya'ng tumatakbo patungo sa aking direksyon. “Sa Genvie SH University ka nga rin pala nag-aaral!" sigaw niya habang tumatakbo. "Hindi ako papasok," diretsong sabi ko. "Hindi rin ako papasok, kaya sama na ako sayo!" "Hindi p’wede!" Tinalikuran ko sya at nagsimulang maglakad. "Isipin mo hindi ako nakasunod sayo," sabi niya. "Ang tigas ng ulo mo pero kung gusto mo talaga sumama, okay!” Gamit ang braso ko sinakal ko siya sa leeg pero hindi ko naman hinihigpitan masyado at sabay lakad. Hindi bago sa akin ang mga ganitong eksena, I really used to be a friendly. "A-aray! Patingin nga ulit ng name tag mo. Ahh! Hannah Lainne A. Martinez," bigkas niya habang nakatingin sa name tag ko. “I think grade 11 ka, tama ako diba?” tanong nito. “Tutal 11 and 12 or Senior High lang ang me’ron sa Genvie University kaya imposibleng maging third year or fourth year ako,” paliwanag ko sa kaniya. “Ganon ba ako kabata o kaganda tingnan para malaman mo agad na grade 11 ako? ” may halong pagmamayabang na tanong ko. “Hindi ka maganda at para sabihin ko sayo dapat mo akong respetuhin. Senior mo ako, I’m grade 12 at kung umasta ka parang ikaw panganay!” “Hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo kaya sa ating dalawa, ako dapat ang respetuhin at sundin mo!” sabi ko at diniinan ko ng konti ang pagkakasakal sa kaniya. “Hannah Lainne Martinez! A-aray!” daing na sigaw niya. "Itawag mo ako sa pangalang Hannah at huwag ka'ng madaming satsat.” Hindi ko alam kung saan kami pupunta, siguro maglakad-lakad na lang kami hanggang sa mapagod siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD