Mabilis siyang bumaba sa kusina para katagpuin si Kent. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay kaagad na siyang sinalubong ng mapusok na halik at mahigpit na yakap. He smelled mint mixed with his perfume. Bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok na nadampian ng kamay niya.
"I miss you..." bulong nito pagkatapos ng mainit na halik. Hindi pa hinihiwalay ni Kent ang mukha sa kanya at nag-iiwan pa ng mumunting halik sa gilid ng tainga. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Hindi niya rin gustong kumawala sa yakap ng kasintahan. Ganito pala kapag nagmahal. Kaya pala lagi niyang nakikitang magkayakap ang Daddy at Mommy niya kapag nasa balkonahe ang mga ito.
Lalo ngayong alam niyang maraming pinagdaanang sakit si Kent sa pag-alis ng Inay nito, gusto niyang iparamdam na may nagmamahal dito nang labis. Siya 'yun. Hindi niya bibigyan ng sakit ng kalooban si Kent para hindi na ito ulit magsungit.
"Akala ko nakalimutan mo na 'yung usapan natin eh."
"Kakwentuhan ko ang Lolo mo kanina pa. Aakyatin sana kita sa kwarto para bumaba ka, kaso narinig ko ang boses ni Kaira."
"You were here? Alam na ni Kaira na boyfriend kita."
"Nakausap ko rin siya pagkagaling niya sa inyo. Okay lang ba na huwag muna nating ipagsabi kahit kanino?"
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Sang-ayon rin naman siya na hindi muna malaman ng pamilya niya ang tungkol sa relasyon nila ni Kent. Pero may kirot din palang dala iyon sa puso niya ang kaisipang gusto siya nitong itago.
"Bakit? Hindi ka proud na ako ang girlfriend mo?"
"Hindi sa gano'n. Natatakot lang ako na may masasabi ang pamilya mo sa 'kin. Sino ba naman ako kumpara sa katayuan niyo sa buhay?"
"My father used to be a farmer, Kent. Hardinero pa nga nila Mommy noon sa bahay. Hindi mo ba alam na kaya ako nagka-crush sa 'yo kasi parang fairy tale ang love story nila katulad ng sa atin?"
"Hindi lang 'yun," dagdag ni Kent. "Nag-aaral ka pa. Bata ka pa para magka-boyfriend."
"Okay, those reasons are acceptable. Sinabi mo ba kay Kaira na huwag ipagsabi kahit kay Lolo? Madaldal ang kapatid mong 'yun."
"Mukha namang nakinig sa 'kin. Bumalik ka na sa silid mo, maaga ulit ako susundo sa inyo bukas."
"Aalis ka na?" tanong niya. Bitin ang pag-uusap nila kung maghihiwalay sila kaagad. Gusto niyang makasama pa ito nang mas matagal.
"Mapupuyat ka."
"Akala ko ba miss mo 'ko?" pagtatampo niya. "Sige na pala, umalis ka na."
"At nagtampo naman kaagad ang love ko. Hindi kasi ako puwedeng magtagal."
"Kasi?"
"Basta."
"Then, go."
"Galit ka naman."
"Hindi ah. Hindi pa ako inaantok, manonood na lang ako ng movie sa kwarto ko."
"Okay, goodnight kiss ko muna bago ako umalis."
Tumalikod siya kay Kent sa halip na ilapit muli ang mukha sa kasintahan. Mabilis naman nitong naikawit ang mga braso sa baywang niya para ibalik siya sa mga bisig nito.
"Goodnight kiss ko..."
"Tapos na kanina, di ba?"
"I need more..."
"Baka naman may iba ka pang pupuntahan pagkatapos mo sa 'kin?"
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Kent bago inangkin ang mga labi niya.
"Nasa dilim tayo, Mahal na Prinsesa. Hindi mo alam kung gaano ako nagtitimpi na huwag lumagpas sa hindi dapat."
Naintindihan niya naman, lalaki ito. Pero gusto niya talaga itong makasama pa nang matagal.
"Doon tayo sa kwarto ko para puwedeng buksan ang ilaw."
Lumakas nang kaunti ang tawa ni Kent. "Hindi mo naiintindihan..."
"Anong hindi? Ang sabi mo nandito kasi tayo sa dilim."
"Maliwanag nga sa kwarto mo, pero tayong dalawa lang doon. At habang lumalalim ang gabi lumalalim din ang imahinasyon ko. Don't make me lose my temper, love."
Lalo siyang kinikilig kapag tinatawag siyang 'love'. Iyon din ang naririnig niyang tawag ng Daddy sa Mommy niya.
"Ang dami mong dahilan. Umalis ka na nga."
"Magkasama naman tayo bukas. Bago mag alas sais ng umaga nandito na 'ko."
"Okay, goodnight."
"Sige, mas aagahan ko pa. Ako na ang magluto ng almusal natin. Okay na po ba, Mahal na Prinsesa?"
"Five o'clock?"
"Five o'clock it is. Buksan mo lang ang pinto ako na ang bahala dito sa kusina. Kahit bumalik ka sa pagtulog."
"Okay." Lumapit siya sa pinto para i-lock ulit kapag umalis na si Kent. Nawala na ang tampo niya.
"I love you..." bulong nito na iniharang muna ang katawan sa hamba.
"I love you too." Sinalubong niya ang mga labi nito at tinugon pa nang matagal ang halik. Parang ayaw rin naman nilang maghiwalay.
"Huwag mo 'kong pilitin na sumama sa kwarto mo."
"Huh?"
Kinuha nito ang kamay niya saka ipinadama ang nasa pagitan ng mga hita nito. "Baka kapag nagpumulit ka hindi na 'ko tumanggi."
"Okay, goodnight. I won't ask you to come to my room anymore," natatawa niyang sagot. Kinakabahan siya pero hindi niya rin alam kung bakit naroon ang excitement. Kent desires her? Nakakataas pala ng ego ang ganoon. Alam niyang maganda siya at malakas ang s*x appeal sa kalalakihan. Pero iba sa pakiramdam kapag ang taong mahal niya ang nagbigay ng papuri.
Nang makalabas si Kent ay bumalik na siya sa kwarto niya. Hindi niya muna iisipin kung paano sasabihin sa Daddy at Mommy niya na may boyfriend na siya. Magugulat ang mga ito na ganoon lang kabilis gayung ni hindi nga nanligaw sa kanya si Kent.
Bago pa siya matulog ay tiningna niya muna kung may mensahe ulit si Kent sa cellphone niya. Excited na rin siya para bukas. Parang hindi niya muna gustong pabalikin si Nana Rosa para malaya silang nagkakasama ng kasintahan nang walang nakamasid. Ayaw rin niyang isipin sa ngayon ang pag-alis niya papuntang Maynila dahil may flight sila ni Tiffany sa susunod na dalawang linggo. Hindi siya nasasabik magpunta sa Paris. Mas gusto niya dito sa bahay ng Lolo niya kung saan palagi siyang pinupuntahan ni Kent.
Kinabukasan ay maagang dumating si Kent. Maaga ring nagising ang Lolo niya kaya't wala silang nagawa kung hindi ang magpanggap na magkaibigan. Katulad kagabi ay bagong ligo ulit si Kent. Siya naman ay naka-pajama pa at gulo-gulo pa ang buhok.
Hindi na siya pinagtrabaho sa kusina ni Kent. Pinagtimpla pa siya nito ng hot chocolate. Sino ang mag-aakala na ang lalaking sinusungitan siya noon grabe naman kung mag-alaga ngayon?
"Kumakain ka ba ng tortang talong na may sawsawang toyo at kalamansi?" tanong nito. "Nagsangag ako kasi ang dami mong sinaing kagabi e tatlo lang naman tayong kumain."
"Ano ang partner ng talong mo?"
"Bakit parang masakit sa tainga ang tanong mo?" nakatawa nitong sabi. Napakunot naman ang noo niya.
"Ano ang partner ng talong? Anong masakit sa tainga doon?"
"Forgive me and my green mind." Hindi pa rin mawala ang pagkakangiti nito. Palapit na ulit ang Lolo niya na kumuha ng gamot sa silid nito. "Pritong yellow fin. Masarap din 'yan sa sawsawang kamatis. Mamaya mamamalengke ako para sariwang gulay ang makain natin sa tanghalian."
"I'll cook for lunch," presenta niya.
"Ako na."
"Pupunta ka sa bukid tapos mamamalengke ka pa. Wala naman akong gagawin."
"Umupo ka lang diyan sa mesa at magbasa ng gusto mong libro, okay na 'yun. Hindi ka bagay dito sa kusina."
"Mommy enjoys cooking breakfast for Daddy. Gusto ko ring magluto."
Tumingin ito sandali sa Lolo niya na kumuha ng tubig sa water dispenser. Lumapit sa kanya saka bumulong.
"Huwag matigas ang ulo."
"But I want---"
"Kagabi pa mainit ang ulo ko, Athena." Pabulong pa rin ang boses nito na sinasamantalang malayo pa ang Lolo niya sa kinaroroonan nila.
"Anong ginawa ko?"
"Basta. Ako ang magluluto."
Nagsimula na silang kumain nang bumalik ang Lolo niya sa hapagkainan. Nag-enjoy siya sa kwentuhan dahil tungkol sa farm ang pinag-usapan ng dalawa. Tapos na ang anihan at magiging abala naman ang mga ito sa pagkiskis ng palay para maging bigas na ang mga sako-sakong palay sa kamalig. Pagkatapos no'n ay may ilang linggo munang magpapahinga sina Kent bago muling magtatanim ng palay.
Ibig sabihin ay marami silang oras na mamasyal sa bukid nang walang gaanong trabahador. Masusulit niya ang bakasyon bago pa siya bumalik sa Maynila. Isang linggo na lang mahigit ang natitira sa kanila.
Sa gitna ng pag-uusap ay paminsan-minsang nababanggit ng Lolo niya si Richard. Ito kasi ang tagapamahala ng farm nila ngayon dahil nahihiya na ang Daddy niya na palaging nakikisuyo kay Kent. Nagsuhestyon pa ang Lolo niya na isama si Richard sa bahay nila sa tanghalian at doon na rin kumain. Mahigpit namang tinututulan ni Kent sa kung anong kadahilanan. Wala nga lang itong magawa dahil iyon ang gusto ng Lolo niya.
"Doon na lang muna kaya kayo ni Kaira sa bahay namin?" suhestyon ni Kent habang naglilinis sila sa kusina.
"Dito kayo kakain tapos doon kami? Isama ko na lang si Kaira dito at ang Itay mo."
"Mapapagod ang Itay sa paglalakad."
"Hahanapin ako ni Lolo kapag hindi kami magkasabay kumain."
"Oh, c'mon... Noong isang araw lang palagi kang nasa bahay namin sa maghapon."
"Nandito naman kasi si Nana Rosa no'n." sagot niya ulit.
"Gusto mong makasalo si Richard sa hapagkainin?"
"Hindi gano'n 'yung sinabi ko."
"Bahala ka. Kapag dito kumain 'yung Richard na 'yun at nakisalo ka sa kanila, hindi ako dito kakain."
"That's unfair."
"Kung makatingin sa 'yo 'yun napakalagkit. Tapos gusto mo pang makasalo sa hapagkainan?"
"Ikaw ang gusto kong makasalo kaya ayaw kong doon mananghalian sa inyo, ano ka ba." Sumimangot siya. Ang hilig nitong magselos kay Richard nang walang basehan.
"Okay, sa hapunan na lang tayo magsama. Huwag kapag kaharap si Richard. Magdahilan ka sa Lolo mo na may lakad kayo ni Kaira," utos nito. Gumana naman ang kapilyuhan sa kanya.
"Sige, doon ako kakain sa inyo sa isang kundisyon."
"Sure," kaagad nitong payag. "Gagawin ko lahat ng iuutos mo."
"We'll spend our night longer than we spent it last night. Ang bitin kasi nung kagabi."
Napatitig muna ito sa kanya bago sumagot. "Sigurado ka?"
"Of course."
"You don't know what you're asking, Athena." Hindi niya alam kung gusto ba nitong tumawa o magagalit.
"Yun lang ang kundisyon ko," matatag niyang sagot. Napatango na lang ito.
"Walang sisihan ha. Sinasabi ko na sa 'yo, kagabi pa mainit ang ulo ko."