Shantal POV:
It's Saturday morning. Kakalipat lang namin dito sa bagong bahay na binili ni papa sa St. Wenslett Village.
Malapit lang kasi dito yung hospital na pinagtatraba-uhan ni mama. Para hindi na siya mahirap kakauwi sa tinitirhan namin dati naghanap siya ng bahay dito at binili ni papa.
Isang nurse si mama sa C. A. D Hospital at taxi driver naman si papa.
Pagkarating namin dito ay umalis din sila para pumunta sa kanilang trabaho kaya ako lang ang mag-isang naiwan dito sa bahay. Sinimulan ko nang mag-ayos ng mga gamit namin.
Hindi naman masyadong malaki itong bahay simple lang at tamang-tama para sa aming tatlo.
Una akong nag-ayos sa sala, sunod sa kusina at sa kuwarto nila mama't papa. Nilagay ko lang sa kabinet yung mga damit nila at inayos ko yung kama pati narin nilagyan ko ng kurtina sa bintana.
Yung ibang gamit ay nilagay ko na lang sa gilid para si mama na lang ang mag-ayos mamaya pagkauwi niya.
Lumabas na ako sa kuwarto nila at pinunasan ko ang aking noo dahil sa pawis. Nakakapagod dahil wala akong katulong mag-ayos dito. Tiningnan ko ang aking phone kung anong oras na.
11:45 AM na pala kaya nagpahinga muna ako para kumain dahil tanghali na. Nagsaing na ako kanina kaya nagbukas na lang ako ng can foods at yun na ang inulam ko.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na din yung plato at nagpahinga muna ako sandali sa sala.
Makalipas ang kinse minutos ay sinimulan ko namang iakyat yung mga gamit ko sa aking kuwarto. Ito naman ang susunod kong aayusin.
Tama lang ang laki nito sa akin at simple lang ang design at pintura nitong gray and white. Maaliwalas kung tingnan sa loob nito dahil sa malaking salamin na bintana na tumatama ang sinag ng araw.
Inilagay ko na sa kabinet yung mga damit ko.
Medyo marami akong damit kaya natagalan ako kakalagay nito. Pagkatapos ay inayos ko na yung kama ko at naglagay din ako ng mga kurtina sa bintana.
Lahat plain ang kulay na inilagay ko dito para maaliwalas sa paningin. Ang ibang accessories ay linagay ko din sa drawer para hindi makalat. Nilinis ko din sa bawat sulok at sa sahig.
Pagkatapos ay sa banyo naman ako. Inilagay ko na din dito yung mga gamit ko at nilinisan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal kakaayos dito kaya pagod na pagod ako at yung pawis ko ay tumutulo na sa aking noo.
Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung anong oras na.
It's 4:30 PM na pala ng hapon kaya napagdesisyonan kong magpahinga na muna.
Humiga muna ako sa aking kama dahil ang sakit na sa likod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil pakiramdam ko ay may tao sa kaya dali-dali akong bumangon. Pero na napasigaw na lang ako dahil sa gulat na may lalaki sa bintana.
"Waahhh!! Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!"
Biglang sigaw ko dito pero sa halip na tumakas siya ay kinunotan niya pa ako ng noo na parang naguguluhan din siya.
"f**k!"
Malutong na mura niya at napasabunot pa sa kanyang buhok at malakas siyang napapabuntong-hininga na animo'y hindi niya alam ang gagawin.
"Mama.. ma... ma"
Naiiyak na sabi ko at pumunta ako sa gilid.
Doon ako nagtago at isiniksik ang aking sarili pero nakatingin pa din ako doon sa lalaki. Nakayuko siya at nakapikit ang kanyang mata at hawak-hawak niya ang kanyang ulo.
Bigla akong napatingin sa pinto dahil bumukas ito pumasok si mama at papa.
"Shantal, Anong nangyari ba't ang lakas ng boses mo?"
Tanong sa akin ni mama kaya tumakbo ako at yumakap sa kanya habang naiiyak.
"Mama ma.. y magna..nakaw hs..hss"
Nanginginig at naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Wala namang tao dito ah"
Biglang sabi ni papa kaya iminulat ko ang aking mata para ituro yung lalaki kanina sa may bintana pero wala na siya doon.
Si papa ang nandoon at pabalik-balik na naglalakad para tingnan.
Pinunasan ko ang aking mata dahil malabo na ang aking paningin dahil sa mga luha.
"Nandiyan po yun papa" Turo ko sa may bintana kung saan nakatayo yung lalaki kanina pero wala na talaga siya doon.
Ang bilis niya namang mawala, saan kaya siya dumaan? Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.
Bumitaw din si mama sa yakap sa akin at tiningnan sa palibot ng aking kuwarto at pumunta sa may bintana, nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan.
"Anak, naka-lock ang mga bintana kaya hindi naman yun makakapasok dito" Sabi ni mama sa akin.
"At hindi rin yun kaagad makaka-alis kung nakapasok siya dito" Dagdag na sabi pa ni papa kaya napailing ako sa kanila.
"Pero, nakita ko po talaga na may nakapasok dito sa kuwarto ko" Giit na sabi ko sa kanila kaya napabuntong-hininga si mama.
"Paano mo ba siya nakita?" Tanong niya sa akin.
"Nakatulog kasi ako mama tapos bigla akong nagising dahil pakiramdam ko may tao" Sagot ko naman sa kanya.
"Baka naalimpungan ka lang Anak dahil bigla kang gumising" Sabi naman sa akin ni papa kaya napailing ako sa kanya.
"Papa pero narinig ko nga siyang magsalita"
Giit na sabi ko sa kanya dahil nakita ko talaga yung lalaki pero parang hindi naman sila na niniwala kaya lumapit ako sa kanila ganon na din sa may bintana.
Tiningnan ko dito kung saan ko nakita yung lalaki kanina.
"Mataas naman ang bakod natin at naka-lock yung gate kaya imposibleng mapasaok tayo" Sambit pa ni mama sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako sa kanila dahil parang hindi talaga sila sa akin maniniwala.
"Tara na Anak, huwag mo na munang isipin yun kumain muna tayo dahil baka gutom lang yan" Aya sa akin ni mama dahil madilim na pala.
"Hayaan mo bukas mag-rereport ako sa mga pulis na may nakapasok sa bahay natin para makasiguro tayo"
Dagdag pa ni papa kaya napatango na lang ako sa kanya. Natatakot kasi ako, kakalipat pa lang namin pero may nakakapasok na agad sa bahay.
Tahimik akong sumunod sa kanila pababa. Naguguluhan parin ako doon sa nangyari kanina.
Sigurado talaga ako na may nakita akong lalaki pero ba't bigla na lang siyang nawala. Hindi naman siguro yun multo dahil wala namang multo dito at hindi naman ako naniniwala sa multo dahil gawa-gawa lang yun at haka-haka para panakot sa mga tao.
"Shantal, Kain na muna. Baka masyado ka lang napagod kanina" Natigil ako sa mga iniisip ko dahil sa sinabi ni mama.
Nandito na ako sa harapan ng pagkain pero hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.
"Ano bang itsura nung lalaki na sinasabi mong magnanakaw?"
Biglang tanong ni papa kaya napaisip ako at inaalala yung itsura nung lalaki kanina pero parang hindi ko masyadong ma identify.
"Parang.. Ka edad ko lang siya papa, matangkad at.... .hindi ko alam basta parang naguguluhan din siya kanina kasi napasabunot pa nga siya sa kanyang ulo tapos nakayuko at nakapikit kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya" Mahabang paliwanag ko kay papa.
"Ah..naguguluhan? Baka mali ang napasukan niyang bahay" Pabirong sabi ni papa kaya napairap ako at nginusuan siya na kinatawa niya naman.
"Papa naman eh, "
Sabi ko sa kanya kaya mas lalo siyang napahalakhak.
Ganito talaga si papa mahilig magbiro kahit seryoso ang usapan.
"Huwag ka na munang ma pressure diyan Shantal, dahil baka hindi ka niyan makatulog mamaya. I che-check muna namin ng papa mo doon bago ka matulog dahil baka matakot ka naman"
Tipid na tumango at ngumiti ako kay mama dahil nga natatakot ako.
"Hayaan mo na hindi na yun mauulit dahil papatayin ko na sila ng powers ko Hahahaha" Natatawang sabi naman ni papa kaya napatawa rin ako sa kanya dahil kung ano-ano ang sinasabi niya.
Pagkatapos non ay nanahimik na ulit kami para ipagpatuloy ang pagkain at iwinaglit ko na muna yung mga iniisip ko.
"How about you Honey, kumusta trabaho mo kanina?"
Tanong ni papa kay mama. Nakikinig lang ako sa kanila dahil palaging ganito si papa na tinatanong si mama sa trabaho.
"Yun, may bagong naka assign na naman sa akin na pasyente. Comatose daw almost two months na siguro hindi pa siya nagigising"
Sabi ni mama kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Kawawa naman pala ang pasyente mo ngayon" Sambit naman sa kanya ni papa kaya napatango si mama.
"Kawawa nga, ang bata pa naman niya" Aniya ni mama.
"Bakit siya mama na comatose?" Biglang tanong ko sa kanya kaya nagulat din siguro siya dahil ngayon lang ako nagtanong tungkol sa mga pasyente niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung ba't bigla akong nagtanong kay mama.
"Ang sabi Car accident daw" Maikling sagot niya sa akin kaya tipid na napatango na lang ako.
"Masyadong critical yata ang kalagayan dahil hindi pa rin nagigising" Sambit ni papa.
"Malala kasi yung pangyayari at naapektuhan yung ulo niya kaya hindi pa siya nagigising" Sagot sa kanya katulad sa mga naka assign na pasyente para kay mama. ni mama.
"Grabe, nakakawa naman pala ang batang yun"
"Unstable pa rin ang kondisyon ng bata, hindi sigurado kung kailan siya magigising at kung magigising pa ba talaga siya"
Dagdag na sabi pa ni mama.
Bigla tuloy akong naawa sa pasyente ni mama kahit hindi ko naman yun kilala.
"Ilang taon na ba ang edad nun?" Tanong ni papa.
"Siguro 17 or 18. Hindi ko sure parang ka edad lang siya ni Shantal"
Sabi ni mama at bumaling pa ang tingin niya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.
"Ang bata pa pala. Lalaki ba o babae?" Tanong pa ulit ni papa.
Si papa talaga mahilig yan magtanong kay mama.
"Lalaki" Maikling sagot ni mama sa kanya.
Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nakakaawa nga yung pasyente ngayon ni mama dahil comatose ang kalagayan nito.
Iniling ko na lang ang aking ulo dahil bakit naaawa ako sa kanya hindi ko nga ito kilala. Gusto ko sanang magtanong pa kay mama ng pangalan nito pero hindi ko na itinuloy dahil busy pa sila mag-usap ni papa.