“Tiffy.” “Goodness, Zeph! Where are you?” bulalas nito na para bang nag-aalalang girlfriend. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Pumunta ako sa bahay n’yo, wala ka!” Nanahimik lang siya. “Zeph?” gamit nito ang tono kapag nag-aalala sa kanya noong sila pa. “Are you alright? Nasaan ka? Pupuntahan kita—” “I’m fine, Tiffy. Gusto ko lang mag-isa. Hindi talaga alam nina Dad kung nasaan ako.” “Nasaan ka nga ba?” Hindi siya umimik. “God, Zeph! Ayaw mo ba akong makita? Alam kong lutuin ang comfort food mo, remember? Pupuntahan kita early tomorrow, okay? Sabihin mo kung nasaan ka—” “Thanks, but I don’t need anyone right now, Tiffy.” “K-Kahit ako?” kung hindi lang niya alam na engage na ito ay iisipin niyang mahal parin siya base sa boses, na para bang nasaktan sa sinabi niya. “Zeph…”

