Kabanata 6

1043 Words
Ellah And the last, The Bad Blood. Para kasi sa mundong ito, isang kahangalan kung wala kang kapangyarihan o kung hindi lumabas ang kapangyarihan mo sa itinakda mong edad. Ganon din kung hindi ka magaling sa lahat. Mapa kapangyarihan man o sa pakikipag laban." Mahaba-habang bulong nito saakin. "E ito kuya, last na talaga. Constant na ba talaga yung level? Is there any possibility na mabago pa ang kulay ng cloak namin?" Kinakabahan ko pang tanong dito. 'Jusko! It can't be! Ayoko maging forever slave, ano?' "Haha! You're so silly, of course not! Hindi constant yung levels. Every quarter ay may nagaganap na Mage Battle kung saan binibigyan ng tiyansa ang lahat para umangat. Bago matapos ang linggong ito ay mag kakaroon ng assessment ang bawat estudyante. Magpapakita ka lang ng kahit na anong ability o Mage tapos lalabas na sa Transparency Board kung ano ang score mo at magiging level. Pagkatapos niyon ay kaylangan mong lumapit sa machine at itapat ang mata mo sa laser para maregister ang pag kakakilanlan at maging official student kana rin. Sa harap ng machine na 'yon ay may lalabas na pin. Nando'n ang lahat ng information niyo maging ang level at section niyo. Kaya kaylangan galingan mo a—" **Kringgg**Kringgg**Kringgg** Hindi natuloy ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang malaking bell sa Field na senyales na tapos na ang Break. Nag-paalam na kami sa isa't-isa at dali-dali na ring bumalik sa kaniya-kaniya naming Classroom. "Siya yung taga lowest section, diba?" Nandidiring saad ng babaeng naka silver cloak sa mga kasama niyang mukhang kaibigan niya rin. "Yea,right!" Nakangiwi ring sagot ng isa sa kanila. "I heard she's with the handsome tranferee kanina. How dare her!" "Yea,you're right! Her face is so makapal!" "Tsk! How did she enter this school?" "Nah! She's so disgusting!" "b***h!" 'Sige lang, pag chismisan niyo lang ako! I will not give you the satisfaction!' •RULE #1- H'wag makipag talo sa mga immature at low class na uri ng tao. Nilagpasan ko lang sila at bago ako tuluyang makaalis ay pinakitaan ko muna ang mga ito ng 0.0001 percent ng kamalditahan ko. "Oh yes darling, i'm a fabulous b***h!" I said using a British Accent saka tinapik sa mukha ang babaeng tumawag sa akin ng b***h. Naiwan ang mga itong tulala kaya naman tatawa-tawa akong pumunta sa classroom ko. "Ay guys, may bagong salta!" Tatawa-tawang sigaw ng lalaking nakaitim ding cloak at may malaking pilat sa pisngi. Mukhang kaklase ko. Oh well. Base sa katangian niya, mukha siyang Ogre. Joke! Para kasi siyang basagulerong walang powers. "Witwiw~" "Miss, anong pangalan mo?" "Hi Beautiful, I'm Edeighl!" "Hmp! Another b***h!" "Feeling maganda, wala rin namang kapangyarihan." "Sayang naman yung ganda niya, lalampasuhin lang naman siya ng grupo nila Freya." "I know right." Che! Wapakels! Dumiretso nalang ako sa upuan sa unahan. Yun nalang kasi ang bakante. Pagdating ko dito ay walaparing tigil yung mga babae sa pag bubulungan nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Mga Talipandas. Sa gitna ng pagbubulungan ay may biglang pumasok na Lalaking mukhang nasa mid-20's. Hanggwapo, shet! Hehe, ano kayang hanap nito? Biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko at sabay-sabay na nagsibati ng makita nila ito sa harapan. 'Hmp! Sa dami nila, bakit naging Prof. pa kita?' Sumenyas ito sa amin na umupo kaya sumunod kami. Bigla itong ngumiti sa amin na animo'y nagtatawag ng mga anghel. "I'm Professor Treos Alchemy. I will be going to teach you The Defense Against Dark Arts." Pakilala nito habang nakangiti. For sure kuya will go berserk if he found out that I have a huge crush sa Prof. ko. Isang kaklase ko ang nagtaas ng kamay. "Yes Miss Greene? Any question?" "Ahmm Professor m-may I ask? W-What is y-your Mage?" Kinakabahan tanong ng kaklase kong kulot. She looks like a nerd. Mas cute nga lang. "Hahahahha... I'm an Angel." Sagot nito habang nakangiti na animo'y nag-eenjoy nakipag kuwentuhan sa mga estudyante niya. Ghad! Kaya pala ang ganda niya tumawa? 'Lahat kaya ng anghel kagaya niya? Guwapo?' Bigla itong tumawa nang malakas at ang isa ko pang ikinagulat ay nang tumingin ito sa akin. "Actually lahat naman. We have a good genes." Sabi nito habang tumatawa. Ohghad! Nababasa niya ba yung naiisip ko? Paktay! Lakas kong pagnasaan tong Prof. ko, kanina pa pala niya ako naririnig! Bigla ako nitong pinatayo. "Base sa records mo ay Transferry ka. And nakakamangha na inapprove ng Dean ang request na mag-aral ka rito kahit na galing ka sa other world." May nakakagulat ba ron? Diba sila tumatanggap ng hindi galing dito sa mundo nila? "Ahhh Hehehehe. " I actually can't find any words to say dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ang ginagawa ko rito. 'This is obviously a school. So malamang sa malamang andito ka para mag-aral.' walang gana kong sabi sa sarili. Nababaliw na yata ako! Pinaupo naman na ako ng Prof. namin at bagamat first day ay agad na kaming nag proceed sa discussion. [After class] Lumabas na ako ngayon ng classroom at kasalukuyang tinatahak ang daan pabalik ng dorm ng may babaeng humabol sa akin. Nilingon ko naman ito at tinignan na parang nagtatanong. "Hi, I'm Arrelinnah Montecillo! Bago ka lang dito diba? Can we be friends?" Masaya at sunod sunod nitong salita. The only word I understand is 'FRIENDS' so expect that I'll say, "No." Bigla itong nalungkot sa naging sagot ko. Masyado yata akong naging bastos. It's not that I don't like her but, kinda. Well, she's maganda naman. May flower na nakaipit sa tainga niya and it looks so cute, plus the fact that she look so kind. But, she's so maingay na pinaka ayaw ko sa lahat. So my answer is no. I don't want to be friends with her. "U-Uh. I-I j-just want you to be my f-friend lang naman kaya ako lumapit sa'yo. And incase you don't know, mag katabi lang tayo ng dorm. So okay lang kung ayaw mo pa ngayon, pero, kung may kailangan ka, don't hesitate to knock on my dorm ha?" Dire-diretsong sabi nito habang nakangiti ng malungkot. Maya-maya'y tumalikod na ito at naglakad palayo habang nakayuko. Did I offend her? 'Malamang! Your attitude kasi, you can't control!' E ano ba kasing magagawa ko? E sa ganito ugali ko e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD