"H-HE’S just a friend!" Sagot ko nang makabawi sa pananampal niya sa akin. "Why are you acting as if I did something wrong, huh?" Naniningkit ang mga matang hinawakan ako ni Mommy sa braso at halos kaladkarin ako palabas ng presinto hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Daddy. "Get in." Mariing utos niya sa akin. "Why--" "Just get in!" Pahisteryang putol niya sa sinasabi ko. Huminga pa ako ng malalim bago sumunod na lang. Naupo ako sa shotgun seat. "Mom, what's happeninhg?" Tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko, sa driver seat. "Sinabihan kitang huwag ka muna magbibigay ng statement, hindi ba?!" So, iyon ba ang dahilan ng totoong kinagagalit niya? Hindi ang fact na may kasama akong ibang lalaki? Pinag-krus ko ang mga braso ko sa dibdib.

