"NAKAPILI ka na ng food natin?" Nawala ang atention ko sa TV at napalingon kay Gunter na nakatayo na sa tabi ko. Inilagay niya sa counter yung dalang drinks at chips. "I got your favorite drinks. May gusto ka pa ba?" "Wala na." Umiling ako saka kinuha ang wallet sa bodybag ko para bayaran 'yong pinamili namin. Hinihintay ko yung sukli nang akbayan ako ni Gunter. Tinaasan ko siya ng kilay. Kanina lang malamig pa sa yelo ang tono ng boses niya, ah? Ngayon feeling niya walang nangyari? "What?" Nagtatakang tanong niyanh nakakunot rin ang noo sa akin. Imbes na sagutin, kinuha ko yung sukli na inaabot ng cashier saka siniko at iniwan siya roon. Inilapag ko sa table na nasa labas ng convinient store yung tray ng pagkain namin na ipinainit ko sa naupo sa bakal na silya. Naupo si Gunter

