I PUT my sunglasses on and started banging my head on the music playing in the stereo. Nakataas ang mga paa ko sa dashboard habang nililipad ng hangin ang buhok kong nakalugay. Sa labas ng nakabukas na bintana, natatanaw ang malawak na dagat sa gilid ng mahabang kalsadang dinadaanan ng sasakyan namin. "I dont mind spending everyday, out of your corner in the pouring rain." I sang at the top of my lungs. Pumipiyok na ako pero wala akong pakialam. Gunter laughed. "Puta, songerist!" Lumingon ako sa kaniya, itinuro ko pa siya. "Look for the girl with a broken smile!" Natatawang hinuli niya ang kamay ko at dinala sa labi niya para halikan saka nakisabay sa pag-kanta. "Asked her if she wants to stay a while." Napatakip ako sa bibig habang namimilog ang mga mata. "Oh my god! You have a

