SA STATION 2 ang destination namin. Narinig ko kanina sa usapan nila habang nasa flight kami na may event mamayang gabi at swerteng napasama ang banda nila sa mga invited na tumugtog dahil mga veterans at mainstream ang kasabayan nila. Shoulder ng producer ang fare at accommodation. But Gunter booked a seperate room. Para may privacy kami. Good thing. Hindi ako sanay matulog na maraming kasama sa roon unless mga friends ko. Inilapag ko ang shoulder bag ko sa kama saka hinawi ang sheer na kurtina at binuksan ang sliding door papunta sa balcony para pumasok ang fresh air. Pumikit ako at dinama ang pagdampi ng hangin sa mukha ko. The sound of the ocean waves crashing on the seashore brings comfort to me. "Hey..." Napalingon ako at nakita si Gunter na pumapasok sa kwarto dala-dala an

