NAGMAMADALI at curious na binuksan ang chat nung Yvo. Doon ko lang na-realize, hindi na pala ako nakapag-reply sa chat niya. Yvo: So, hindi niyo ba magagawan ng paraan ang request ko? Nag-scroll muna 'ko sa previous conversation namin bago nag-isip kung anong i-rereply ko. Hindi ko pa nakakausap si Jade. Basically, siya ang gumagawa ng mga designs. Ako lang ang nagbibigay ng idea. So, dapat hingin ko muna ang suggestion at opinion niya bago ako mag-decision kung tatanggapin ang alok ni Sir Yvo. The Vintage Apparel: Hello, Sir. I'm still communicating with our team. I will give you an update as soon as possible. Yvo: Okay. I'll wait until next week. Dahil baka hindi umabot sa event kung lalampas pa doon. The Vintage Apparel: Noted, Sir. Thank you! Hindi na siya sumagot kaya nag-scr

