"Let me go! Ano ba! Nasasaktan ako!" Buong lakas kong ginalaw ang braso ko kaya nabitiwan niya 'yon. Pero sandali lang natigilan si Lester at kaagad rin na nakabawi. Napaatras ako nang humakbang siya palapit sabay hinawakan ang leeg ko. "Huwag ka lang magpapahuli na kasama mo kung sino man 'yang lalaki mo, Genesis." Nagbabantang sabi niya at dumiin pang lalo ang kamay sa leeg ko. He was literally choking me. "I'll kill the both of you!" "L-Let me go!" Humawak ako sa wrist niya. Naluluha na ang mga mata ko. Para na akong mauubusan ng hangin. I felt my eyes started to roll back. Nagdidilim na ang paningin ko at nanghihina nang bitiwan at isalya ako ni Lester palayo. Pahiga akong bumagsak sa kama. "Itatak mo 'yan sa kukote mo!" Hawak ang leeg na bumangon ako. Tiningnan ko siya ng ma

