"WHAT? Alam na ni Levi ang tungkol kay Laura? How? When? Where?" Sunod-sunod na tanong ko kay Jane na kausap ko sa kabilang line. Tinawagan ko siya para i-check kung okay lang ba sila ni Laura. As usual, hindi siya masyadong nagpaparamdam kahit sa GC unlike Violet and Friday na nakakausap ko kahit pa'no, kaya medyo nag-worry ako. At nasabi nga niyang nagkita na ang mag-ama. Hindi pa lang buo ang kwento niya. "Yes, alam na niya. May mallshow si Levi doon sa pinuntahan naming mall. At alam niyo naman hindi ko tinago kay Laura ang itsura ng Daddy niya. When she saw him, tumakbo at nilapitan kaagad." Napailing ako. That's dangerous! Lalo na sa mallshow pa na siguradong maraming fans ang LeYvette. And some of them are super war freaks and delulus! Hindi ko na lang sinabi 'yon kay

