PINAGLIPAT ko ang tingin kay Charles at Mommy na nakakunot ang noo sa akin. Pinilit kong ngumiti saka tinuro ang phone ko na patuloy sa pag-ri-ring. "This is important call. Sagutin ko lang." Hindi ko na hinintay ang sagot nila, tumalikod at naglakad na ako papunta sa lanai. Bumaba ang tingin ko sa cellphone. Tumigil 'yon sa pag-ri-ring. Nainip na ata. Akala ko napagod na sa pagtawag. Pero tumawag ulit wala pang isang minuto. Tumaas ang kilay ko. Bakit ba siya tumatawag? I took a deep breath before I pressed the answer button. "Hello. Who's this?" Syempre nag-pretend akong 'di ko siya kilala. Hindi naman siya nagpakilala no'ng mag-text siya kagabi 'no. "Pretending you didn't know me?" Sa tono ng boses niya, naiimagine kong nakataas ang sulok ng labi niya. "Hindi nga kita kilala.

