"Mom..." hinawakan ni Gunter ang kamay ko at lumapit kami sa Mommy. He then kissed her on the cheek. "Umuwi ka pang bata ka." Naninitang sabi niya saka bumaling sa akin. Kinakabahan ako nang taasan niya ako bigla ng kilay. "Hey, don't scare her." Napapailing na saway ni Gunter sa Mommy niya. "Hindi ko naman siya tinatakot. Anong pinagsasabi mo diyan." Pinandilatan siya ng mommy niya saka tumingin ulit sa akin. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan ngayon. I mean, lumaki akong nakakasalamuha ng ibat ibang tao sa mga gatherings na pinupuntahan namin ng parents ko. Most of them mga kilalang tao like celebrities, businessman and politicians. Pinilit kong ngumiti sa kaniya. I don't know what to address her. Tita ba? Or Mommy? Where the f**k did that come from! Hello? Si Tita Maricar n

