Chapter 9

2662 Words
"Genesis!" Energetic na bati sa akin ng Mommy ni Lester. Tumayo pa siya at nakangiting yumakap sa akin. Gumanti naman ako ng yakap at nakipag-beso sa kaniya. "Tita Maricar! How are you?" "I'm good! I'm always good!" Magiliw na sagot niya at hinawakan ang magkabilang braso ko para pinagmasdan ang mukha ko. "My... you looked so beautiful as always, my girl!" "Thank you, Tita." Flattered na sagot ko. Unlike Lester, his Mom is nice and good to me. Madalas niya akong i-chat at yayaing mag-bonding. She's so full of life and friendly. Parang sa kaniya, nakakita ako ng mommy na hindi ko naranasan sa mismong Ina ko. Naiisip ko nga kung nagmana lang sana si Lester sa ugali ng Mommy niya, baka kahit paano— pwede pang mag-workout ang relasyon namin. Baka matutunan ko rin siyang mahalin in the long run. Kaso... hindi. Para siyang ipinaglihi sa masamang hangin. Or maybe, na-spoiled rin? Kaya nasanay na dapat lahat ng gusto, nakukuha. "Kanino pa ba magmamana?" Singit ni Mommy. A perfect smile plastered on her lips. She was wearing a light colored dress that she always hate. And a make up that hide the real emotions in her face. "Tita Constancia," bati ni Lester na lumapit rin at humalik sa cheek ni Mommy. Hinaplos-haplos ni Mommy sa pisngi si Lester. "My Sweet boy..." Gustong tumirik ng mga mata ko. Kung alam lang nila... Mabuti na lang napigilan ko. Humalik na ako sa pisngi ni Mommy. Then Tita Maricar gestured me and Lester to sit in front of them. "Have a seat." Sumunod naman kami. I looked at both of them, smiling yet puzzled. "I thought... ikaw lang po ang i-me-meet namin, Tita Maricar? What are you doing here mommy?" Hindi ko na napigilang itanong. Akala ko kasi normal na bonding/catch up dinner lang ang magaganap. Since, every month naglalaan talaga ng oras si Tita Maricar, kahit busy sa business— na i-meet kami ni Lester at kumustahin. Pero imbes na sagutin ang tanong ko, nagkatinginan sila ni Mommy na parang nag-uusap ang mga mata nila. Lalong napakunot ang noo ko sa pagtataka. Nilingon ko si Lester na nasa tabi ko para tingnan kung may alam ba siya. Pero parang cluesless rin. Bakas pa nga ang pagka-inip na pilit nitong tinatago sa pamamagitan ng awkward na ngiti. Palihim pang nag-sscroll sa cellphone na nasa lap niya. Sabagay, ano ba aasahan ko sa lalaking 'to? Kundi dahil sa family name na dinadala nito, malamang hindi ito makakapasok sa soccer team at magandang school. Bumalik ang tingin ko kay Tita Maricar at Mommy, hindi ako nagsalit, nagtatanong lang ang mata kong naglilipat ng tingin sa kanila. "Let's eat first before anything else." Pag-iiba ni Tita Maricar sa topic saka tinawag na ang waiter. Mommy and Tita Maricar ordered food for us. Mabilis naman na-serve ang mga pag-kain. I acted my fake enthusiatics self as we are eating. Panay ang kwento ko about sa organization namin at ang katatapos at successful battle of the bands. But at the back of my mind I was really curious what was the catch of this "dinner". I know my Mom, hindi siya basta-basta napapapayag sa ganitong simpleng kakain sa labas. Kailangang matagal ng naka-set na ang events or gathering na pupuntahan ni Mommy dahil sa anxiety nito na madalas umaatake kapag may biglaang lakad. So... meaning, nakaplano na 'to malamang... hindi lang niya sinabi sa akin. Pero bakit? "Graduating na kayo, right?" Napaangat ang tingin ko mula sa pag-kain ng dessert nang mag-iba ang tono ng boses ni Tita Maricar. This is it... I looked at her and forced a smile."Yes, Tita. Me and Lester are doing good. Right, love?" Nilingon ko pa si Lester. "Y-Yes, Mom!" Kaagad niyang sagot na umakbay pa sa akin. Tumatango-tango si Tita Maricar. "At matagal na rin ang relasyon niyo... it's been what..." "Almost five years," sagot ni Mommy. Sad to say, limang na nga kami. And every year Lester gets worst and worst. "And we're thinking..." lumingon si Tita Maricar kay Mommy bago bumalik ang tingin sa amin ni Lester. "What?" I asked, holding my breath. "Why don't you both settle down after graduation?" "WHAAAT?!" Sabay pa naming gulat na reaksyon ni Lester. That was six months from now! Kunot ang noong tumitig sa amin si Tita Maricar. "What?" Ulit niya. "Doon rin naman kayo papunta. So, bakit patatagalin niyo pa?" "I agreed." Patango-tangong pag-sang-ayon ni Mommy. "Matagal na rin kayo. I'm sure kilala niyo na ang isa't isa." Oo nga. Kilalang-kilala ko na siya na pwedeng ihanay sa mga demonyo sa impyerno. Alam ko naman doon ang punta namin ni Lester. Wala naman kaming choice. But not that soon! Marami pa akong gustong gawin. Gusto ko pang mag-explore... I bit my lower lip as Gunter came into my mind... "What can you say?" Tanong sa amin ni Tita Maricar. Nilingon ko si Lester. Pasimple ko siyang pinandilatan para tumanggi at magdahilan. Pero ang bwiset, ngumiti lang saka lumingon sa akin. "It's depend to Genesis, Mommy, Tita Cons. Ako naman, I'll never see myself settle down with someone else but her. Siya lang hinihintay ko... kung ready na ba siya lumagay sa tahimik." FUCCCCK! Sa akin pa niya ibinigay ang lahat ng pressure! Nalipat ang tingin sa akin ni Mommy at Tita Maricar. Naghihintay ng sagot ko. Peke akong ngumiti. "H-Hindi po ba masyado pang maaga? I mean... I still want to manage our business... I still have a lot of things to do." I voice out, nervously. "A lot of things to do?" Segunda ni Mommy na nakita kong pasimpleng tumaas ang kilay. "Like what, hija?" "A-Ah... I want to build my own name first and travel... the world..." "Oh, Love..." inabot ni Tita Maricar ang kamay ko. "You can still travel the world! Marrying someone will not stop you from doing what you love. Mas ma-eenjoy mo nga dahil kasama mo na si Lester ko." Lumingon siya kay Lester at ngumiti. "And Imagine waking up with the one you love every morning..." sabay pumikit na parang nag-iimagine. "That's the best feeling in the world..." "And besides, you will still manage our business, Anak. Magpapakasal ka lang but you still have your own life." Pangungumbinsi pa ni Mommy. Really? I will have my own life? Pero lahat ng desisyon at gagawin ko nakasasalay sa kanila. They snatched my life away from me. Nakatitig lang ako sa kanilang tatlo. Unable to utter a word... Natapos ang dinner na hindi na ako nagsalita ulit. Nang magyaya umuwi si Tita Maricar, nagprisinta si Mommy na isabay ako sa kaniya. Dinahilan na gusto pa raw ako makasama. I doubt that. Alam ko na kaagad na sesermonan niya ako. "Thank you sa dinner, Tita." Yumakap ako kay Tita Maricar. "I'm happy to see you, Love. Bonding tayo soon, okay?" Hinaplos niya ang buhok ko. "I really want you to be my daughter in law soon." Pahabol pa niya. Tipid lang akong ngumiti saka binalingan si Lester. "Drive safely." Matabang na sabi ko. "You too." Yumuko siya para halikan ako sa lips. Bumulong pa siya bago lumayo. "Mag-uusap tayo." Hindi ako umimik. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako naglakad palapit sa kotse ni Mommy. Kumaway ako kay Tita Maricar bago naupo sa driver seat katabi ni Mommy sa passenger seat. Kaagad naglaho ang ngiti sa mukha nito. "I'm dissappointed in you, Genesis." I expected that. Ano pa bang bago? Nagsimula na akong magmaneho habang sinisermonan ako ni Mommy. "Ano na lang ang iniisip ni Lester at Maricar? Ayaw mong maging parte ng pamilya nila! Ayaw mong matuloy ang merging!" She was shouting at me. Kalmado akong nagsalita. Sanay na 'ko, eh. "It's not like that, Mom. I told you marami pa akong gustong... ma-achieve." "You can still do that!" Hiyaw niya sa akin saka nagbanta. "Magpapakasal ka, Genesis! You will marry Lester, wether you liked it or not!" Pagod akong bumuntong hininga. "Mom—" "No!" Putol ni Mommy sa sasabihin ko at dinuro ako. "Hindi na ito dapat pang makarating sa Daddy mo! This will favor that b***h Alex!" "Bakit naman nadamay si Alex, Mommy?" Napailing ako. Yes, nakukulitan ako sa kaniya before. But she's still my sister. Isa pa, hindi na niya ulit ako kinulit. Minsan nag-cha-chat kapag may tanong about sa enrollment. I feel bad though for pushing her away... "That b***h is getting in my nerves!" "She's young. What do you expect, Mom?" "Young?" Sarkastik na ulit niya. "She's the same age as you! Matanda ka lang ng months!" "What?" Kunot noong lumingon ako sa kaniya. "I thought she's two years younger than me?" "Me too! Yon ang sinabi ng Daddy mo! But guess what! Nakita ko ang birth certificate niya! MY GOD! Isipin mong pinagsabay kami ng Daddy mo at ang babae niya!" Pinagsusuntok ni Mommy ang ulo niya. Mabilis akong napapreno para awatin siya. Tinulak niya ako pero niyakap ko siya kaya ako nasusuntok niya. "Mom..." i bit my lower lip. "Calm down." "Ano pa bang kulang! Binigay ko naman lahat sa kaniya! Sobra na siya! Sobra na! I suffered from depression of him! Ahhhh!" Patuloy ito sa pagsuntok sa sarili. Nayakap lang ako sa kaniya. Nakatitig sa kawalan. Hindi ko na nararamdam ang sakit ng suntok na tumatama sa akin. "I will not let that b***h ruin our family..." nanginginig ang boses na hinawakan ni Mommy ang magkabilang braso ko. "You will help me, Genesis? Right? Anak, right? You will help Mommy..." "O-Of course..." "Then you will marry Lester. Hindi mo hahayaan mapunta siya sa iba, right?" "Mommy—" "You promised me!" Hinampas niya ang braso ko. "Ikaw lang ang anak ko! Ikaw lang ang makakapagsalba sa atin! G-Gene..." Nagsimula na siyang umiyak. I bit my lower lip. And just like I always do, I slowly nodded. "O-Okay, Mommy... I'll marry Lester..." HINATID ko na si Mommy sa bahay namin. I feel so tired kaya hindi na ako bumaba kahit panay ang pilit niya sa akin. This night was exhausting. Ayoko nang dagdagan pa kapag nakita ko si Alex at Daddy. Since, wala akong dalang kotse, nag-book na lang ako ng Grabcar. Habang nasa biyahe sumasakit ang ulo sa kapag iniisip ang kasal namin ni Lester, thinking I will end up like my mom... or maybe worst than that. Napakuyom ang mga kamay ko, mariin. Why I've always been this helpless my whole life? Why I've always been defenseless? Why I'm being kind to those cruel to me. Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone sa clutchbag ko nang maramdaman kong nag-vibrate 'yon. You have 1 notification! Binuksan ko 'yon at binasa ang chat. V. G: Still up? Mabilis akong nag-chat. Mavis: Yeah. Where are you? V. G: Nandito na sa gig namin. In a few minutes magsisimula na set namin. You? Mavis: Saan 'yang gig niyo? V. G: dito sa Ecstasy. I've never heard of that bar before kaya sinearch ko muna siya sa internet bago binalingan ang driver. "Kuya pwede po ba magpahatid sa ibang place? Nagkamali kasi ako ng pin." Pumayag naman siya basta magdagdag ako ng bayad. Wala namang kaso sa akin. Mayamaya pumarada ang sasakyan sa harapan ng isa sa mga bar na magkakatabi sa mahabang kalsada. Pagkabayad bumaba kaagad ako at naglakad papunta sa entrance ng bar. Pagpasok sumalubong sa akin ang malakas na music at usok ng sigarilyo. Iba ang vibe ng bar na 'to sa dalawang naunang napuntahan ko. Though madilim at crowded rin sa mga 'yon, mas madilim at mas maraming tao rito. The people on the dancefloor, dancing mindless like they were on.. something. Luminga ako sa paligid. Lumapit sa akin ang waiter. "Table for?" Tanong niya. "Uh, just me." I told him. Tumango siya bago naglakad na. Sumunod ako sa kaniya. Nababangga pa ako ng mga sumasayaw. Ang pungay ng mga mata nila, nakaawang pa ang mga labi. Ang iba dilat-dilat naman na parang wala sa sarili. Surprisingly, hindi ako natakot. I was... actually curious. Saktong sa bandang unahan ang table ko. Kitang-kita ang stage. Kaagad akong um-order ng margarita pagbigay ng menu sa akin. Mabilis naman 'yong nai-serve. Palinga-linga pa ako sa paligid habang naghihintay sa set nila Gunter. Nag-focus ang tingin ko sa stage nang makitang umaakyat na roon isa-isa ang mga kabanda ni Gunter. Hanggang sa natuon ang tingin ko sa kaniya. He was topless... "Hello! Good evening! What's up night crawlers!" Nagsigawan ang mga tao nang magsimulang tumipa ang bass na si Vince. Sinundan ng lead guitar na si Ken. And the crowd goes wilder as Gunter started banging on his drums. "This is Somebody Told Me by The Killers!" Ken said then started to sing. "Well somebody told me that you had a boyfriend." At tulad no'ng battle of the bands, na kay Gunter lang ang tingin ko. I sipped on my margarita while staring at him, while moving my head to the beat. He was sweating on the middle of their set. Tumingala pa siya at pumikit habang hinahampas ang drums. Oh, god... the same looked while he's coming inside me. Napakagat sa ibabang labi ko. Pinagkrus ko ang mga hita ko nang maramdaman kong parang may kumikiliti sa gitna ko. As he opened his eyes, he looked around and found mine. Ilang sandaling medyo nagulat pa siya bago ngumiti. Itinaas ko naman ang hawak kong cocktail drinks saka kumaway. Tinuro niya ako ng drumstick bago 'yon hinagis saka hinampas ang drums. Natawa naman ako. Buong set nila, feeling ko sa akin lang siya nakatingin. Well, sa kanya lang rin naman ako nakatingin... "Thank you! This is our last song for tonight! And drummer boy here." Tinuro ni Ken si Gunter. "Dedicated this song to Mavis!" Saka tinuro ako. Nagtilian ang mga tao habang nakatingin sa akin. Natatawang inirapan ko naman si Gunter na ngiting-ngiti sa akin. "Here it goes!" Nagsimulang tumugtog banda. Every time I see you falling I get down on my knees and pray I'm waiting for that final moment You say the words that I can't say *** KAAGAD bumaba ng stage si Gunter pagkatapos ng set nila. Nagsusuot pa siya ng tshirt nang puntahan ang table ko. "You didn't tell me you're coming." Sabi niyang naupo sa tabi ko. "Uh... well, surprised!" Tumawa ako at pumihit ng upo para sa kaniya saka niyakap ang mga braso ko sa leeg niya. "You looked so fuckable up there." "Oh, yeah?" Tumaas ang sulok ng labi niya at niyakap ang mga braso sa beywang ko bago ako siniil ng halik sa labi. Gumanti ako. Hinila ko pa siya palapit sa akin saka kinagat ang ibabang labi niya. "Easy... easy..." marahan siyang natawa pagkasabi no'n. "You missed me that much, huh? Umirap ako. "Hindi mo ako na-missed?" "What do you think?" He said kissing me hard and deep. "Hindi?" Sabi niya pagkatapos pakawalan ang labi ko. "Ter!" Tinapik siya ni Ken na hindi namin nalamayan na nakalapit na pala. "Uy! Hi! Ikaw na naman. Iba talaga lason nitong kumpare namin." Sabi niya sa akin. Natawa lang ako. Still wrapping my arms around Gunter's neck. Nilingon niya si Ken. "Sama ka ba sa amin?" May sinenyas si Ken na 'di ko na ma-gets. "May dala si Justine." "Gago." Mura ni Gunter. "Tumigil na ako diyan. Kayo na lang." "Parang gago 'to, oh! Ang KJ! Sama ka na, pre!" Mayamaya tinawag ni Ken si Justine. At dalawa na silang pumipilit kay Gunter. Pero hindi siya nagpatinag. "Tangina niyo. Ang kukulit niyo. Kayo na lang baka kulang pa sa inyo 'yan mga ungas! Sige na. Una na kami." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. "Tara. Sibat na tayo rito. Di ako titigilan ng mga kupal na 'yan." Nagpatangay na lang ako sa pag-hatak niya sa kaniya palabas ng bar. Lumingon pa ako sa likuran namin. Nakita ko si Ken at Justine na kinausap yung isang lalaking lumapit mayamaya nag-abot ng pera si Ken at may ibinigay na 'di ko makita kung ano kasi madilim— yung lalaki. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD