Karina's Pov: Masayang-masaya ako ngayong gabi kahit medyo nagtampo ako dahil ngayon lang niya ipinagtapat ang lahat. Gusto kong magreklamo at mainis pero mas nangingibabaw sa akin ang maging mahinahon at tanggapin ang lahat. Wala rin naman papatunguhan kung magagalit pa ako, imbes na magkaayos ang aming pamilya ay baka magkahiwalay pa kami kung magagalit pa ako. Ayokong humantong ng ganon ang aming pamilya. Mas nangingibabaw ang aking kasiyahan kesa sa mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay. Sadyang nalulungkot lamang ako sa isiping pati ang panganay kong anak ay nakalimutan ko. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi nasabi agad ni Noah sa akin. Alam kong inaalala niya lang ang kalagayan ko. Pero nakapagtataka rin na hindi man lang sumakit ang ulo ko. Siguro pagod na din si Lord

