Gabi na nang makahanap kami ng aking anak ng matutuluyan dito sa malayong probinsiya sa norte. Mabuti at may nahanap ako na maliit na bahay na tamang-tama para sa amin ng aking anak. Sa wakas ay makakapagpahinga na kami ng maayos. Ibang pangalan ang ginamit ko upang hindi kami mabilis mahanap, kung hahanapin man kami ni Noah. Itinapon ko din ang aking simcard para hindi ako matawagan o ma-text ng kahit na sino man. Ngunit kinabukasan, may kumatok sa aming maliit na bahay na inuupahan. "Harvey?" Nanlaki ang aking mata nang makita siya sa aking harapan. "Pwede bang pumasok?" Ngiti niya sa akin. Nakakunot ang aking noo habang pinapapasok siya sa munting sala namin. "Pa'no mo nalaman na andito kami?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. "Ang totoo niyan, pinapasundan kita simula

