Karina's Pov: Ngayong araw ay isinama ako ng aking ina sa isang albularyo upang maresolbahan na ang mga misteryo sa aking mga panaginip. Hinatid kami ni Noah hanggang sa makarating sa bahay ng manggamot. "Dito ko na lamang kayo hihintayin sa labas, kayo na lamang ang pumasok," wika ni Noah sa amin. Matarik ang kinalalagyan ng bahay ni tatang Heron, kaya naman ng makarating kami ay halos lumawit na ang aking dila sa sobrang hingal sa paglalakad. Luma na ang bahay na gawa lamang sa kahoy ang sa amin ay bumungad. Ngunit ang bahay na ito ay tila may mahika sa aking paningin. Tila inaakit ako nitong pumasok sa loob. Sa gilid nito ay puno ng mga halaman at bulaklak. May mga paro-paro din nagliliparan sa paligid nito. "Halina kayo, pumasok kayo sa loob!" wika ng isang babae na may edad bent

