Karina's pov: Nakarating kami sa may ilog sa kakahigit ko sa kan'ya ng sapilitan. "Saan mo ba ako dadalhin at ano ang kailangan mo sa'kin?" masungit niyang sita sa akin. "Noah?" humarap ako sa kan'ya. Balak ko sana siyang yakapin ngunit hinarangan ako nito at tinusok ang noo ko gamit ang hintuturo niya upang malayo ako sa kan'ya. "Kanina ka pa nanantsing eh! hinawakan mo na nga ang kamay ko pati ba naman yakap gagawin mo din?" kunot-noong sambit niya sabay tingin mula ulo ko hanggang paa ko. Umikot ang mata ko sa sinabi niyang iyon. "Duh! asawa mo ako, anong masama don?" nakataas kong kilay habang nakakros ang aking mga braso. "Asawa?! Kailan pa? Binata pa ako!" sabay hagod ng tingin niya ulit sa buo kong katawan. "Done checking me out?" masungit kong sambit sa kan'ya. Para nam

