Ng sumunod na araw busy na naman siya. Gumising ako ng umaga para magluto ng Almusal. "Hey! Ikaw na naman ang nagluluto. nasan si manang ang aga mo tuloy gumigising." Sabi niya ng mabutan na naman niya ako na nagluluto. "Hayaan mo na para may ginagawa naman ako. Ng makabawi naman ako sa mga ginagastos mo." Sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng yakapin niya ako. "Sshh..Ako ang may gawa kung bakit ka nandito. Kaya wala kang utang sa akin na kailangan mong bumawi. Ako dapat ang bumawi sayo. Okay." Sabi niya. Tumango na lang ako para humiwalay na siya. Kasi sobrang ng hihina ako sa ginawa niya. Kaya ng kumalas siya humawak ako sa lababo para hindi ako matumba. Saka pinagpatuloy na ang niluluto ko. Ganun ang ginagawa ko pati ang hapunan ako ang nagluluto. Naangal nga

