Matapos ang matagumpay na ilang ulit na operasyon kay Vekvek ay ilang buwan muna rin siyang nagpahinga para magpagaling ng lubusan bago siya bumalik sa pag-aaral sa tulong ni Sir Gav at Mr. Shin na laging naka alalay sa dalaga. Sa ibang bansa na rin pinili ni Vekvek mag-aral dahil gusto niya kapag muli siyang nagpakita sa kanyang pamilya ay buong-buo na siya. Hindi na siya iyong Vekvek na durog na durog at halos hindi na makilala. Sa tulong din naman nina Mr. Shin at Sir Gav ay nababalitaan niya pa rin ang mga nangyayari sa kanyang pamilya. Naroon na nagkasakit ang kanyang tatay kaya nanay niya lang ang nagluluto kaya ilang araw na inuutusan ni Vekvek ang tauhan ni Sir Gav na pakyahin agada ang lahat ng tindda ng kanyang nanay para agad maubos at maalagaan ang kanyang tatay na may sa

