“Kena, ano ba kasing problema mo sa hardinera ng asawa ko? Bakit ba kasi pinag iinitan mo hayan at ikaw. siyang napapahamak. Alam mo naman kasing mabait at maunawain si Jen sa mga kapus-palad lalo na roon sa hardinera niya dahil nga nakakaawa.” Ang sermon ni Tongtong kay Kena ng malaman niya ang nangyari. “Nakakainis na nga ang asawa mong yan. Kung hindi lang talaga sa pinagsamahan namin ay iisipin ko na talagang nagbago na siya at mas kinakampihan pa ang babaeng may bulutong na yon. Kulang na lang ay patayuan niya na rin ay bigyan niya ng magandang kwarto kahit ang pangit nakakadiri naman ang balat,” ang nagmamaktol na sabi pa ni Kena. Matapos ng insedente sa tinutuluyan ni Vekvek ay umalis ang babaeng amo para tunguhin na ang kanyang mga negosyo. “Wala kang magagawa dahil likas kay J

