"Where's my daughter?!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Si Tristan naman ay naalimpungatan ng marinig si mama. Natutulog sana ito sa sofa ng room namin dito sa ospital. Ako naman ay nakapikit lang at nagpapahinga pero nadilat na din ng dumating si mama. "Mama?" "Aly!"agad sya dumiretso sa akin at niyakap ako. "Oh my God dear are you okay? Are you in pain?" "Okay po ako, mama. Pasensya na po pinag-alala ko kayo. Naabala ko pa kayo sa trabaho." "Never ever say na abala ka." "Mom." si Tristan yun, bumangon na at lumapit na din sa amin. "Tristan, ano sabi ni doc? Did you transfer her to doctor Lang?" "Pina-transfer na namin agad kay doc. Lang as soon as you told us." "I'm so sorry my dear. Wala ako sa tabi ninyo. But I'm here now. Mom is here now. Ipapagamot natin si Alys

