Tatlong linggo ang nakalipas. Nanginginig na naman ang katawan ko sa isiping aakyat na naman ako sa kuwarto ng dalawang kambal. Natitigan ko ang sarili. Nakadamit na akong pang-katulong ngayon. Kung noon nasusuot ko anuman ang naisin ko, ngayon hindi na. Talagang pinamukha nila sa akin na isa lamang akong mahirap at nababagay lamang sa akin ang maging isang alipin. Laking pasalamat ko nga ng pumunta ang kaibigan ng nobyo ko, hindi ako noon nakasuot na pang-katulong na damit. Ilang beses akong napalunok habang nasa harapan ng kuwarto ni Danica. Sa nanginginig na kamay, kumatok ako ng mahina. Ngunit laging gulat ko ng marahas na bumukas ang pinto at ang mukha ni Celine ang bumungad sa akin. Pahablot nitong hinawakan ang buhok ko. "Halika ritong malanding babae ka!" Sabay kaladkad sa

