Ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga. Hindi matapos-tapos ang labahin ko sa kakaisip sa sinabi nito. Nagkaroon pa ako ng assignment? At 'yon ang alamin kung ano ang ibig sabihin ng isang relasyon. Paano ko naman kaya malalaman ang sagot doon? Kandahaba ang nguso ko. Hindi pa nga ako pumapasok ng school may assignment na kaagad ako? Bigla akong napangiti sa isiping maayos na kami nito ulit. Hindi ko naman kayang magalit dito o matakot ng matagal dahil sa ginawa nitong pagligtas sa 'kin. Kung hindi ako nito tinulungan baka wala na ako ngayon. Kaya malaki ang utang na loob ko rito. Ramdam ko naman na mabait talaga ang Kuya Alex ko. Naniniwala akong hindi naman talaga nito sinasadya ang paghalik nito sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ng maalalang binanggit ko rito ang t

