Ilang linggo siyang nagpagala-gala sa kalsada. Namamalimos araw-araw.
Ngunit sa bawat araw na nagdaan. Palagi rin siyang nasasaktan ng kapwa niya namamalimos.
Kaya kung saan-saan siya napapadpad makaiwas lamang sa mga taong nananakit sa kaniya.
Bato rito, bato doon. Singhal dito, singhal doon.
Iba't ibang masasakit na salita ang naririnig niya.
Mabaho!
Nakakadiri!
Nakakasuka!
Nakakatakot!
At kung ano-ano pa. Walang araw na 'di siya naiiyak.
Dahil sa bawat oras na lumipas, di maalis sa kaniyang isipan ang mga naranasan niya sa inakalang mga magulang.
Sobrang bigat at sakit sa dibdib habang naiisip niya ang mga bagay na iyon.
At kung gaano siya naaawa sa kalagayan niya ngayon.
Aaminin niyang nawala siya sa tamang pag-iisip. Nang marinig niya ang mga salitang galing sa inakalang mga magulang. Na hindi sila ang tunay niyang mga magulang.
Na pinatay ng mga ito ang kaniyang totoong mga magulang. At pinatay din daw ng mga magulang ko ang nag-iisang anak nila.
Sa libo-libong pagod, sakit ng buong katawan at kalituhan na dumapo sa kaniya, hindi niya matanggap ang mga pinagsasabi ng mga ito.
Hanggang sa mawala nga siya sa sarili.
Bumalik lang ang kaniyang katinuan ng marinig mula sa batang nagbigay sa kaniya ng mineral water ng sabihin nitong hindi siya baliw.
Doon bumalik ang lahat-lahat. Kung paano siya araw-araw saktan ng inakalang mga magulang.
Na halos patayin na siya.
Sobrang sakit sa pakiramdam dahil sa kabila ng mga ginawa ng mga ito, minahal niya ang mga ito.
Hindi niya iniwan ang mga ito sa pag-aakalang ito ang mga magulang niya kahit pa bugbog sarado siya ng mga ito.
Na kahit araw-araw siyang saktan. Hindi niya magawang iwan ang mga ito. Dahil sa pag-aakalang ito ang mga magulang niya. At iyon ang pagkakamali niya.
Totoo nga ang sinabi ng mga tao sa lugar nila. Na hindi siya anak ng mga ito.
Lalo siyang napapaiyak sa isiping sana nakinig siya sa kaibigan niya. Pero wala na. Hindi niya alam kung magkikita pa sila ng kaibigan niyang si Bernadeth.
Ngayon, pagala-gala siya.
Tinatanggap ang paratang ng iba, na isa siyang baliw.
Sa edad niyang sampong taong gulang, labis ang takot na nararamdaman niya lalo na kapag sumasapit ang gabi.
Natatakot siyang baka mapahamak siya.
Kaya ang ginagawa niya. Kapag dapit hapon na. Naghahanap siya ng lugar kung saan hindi daanan ng mga tao.
Sa lugar na posibleng hindi siya makikita.
Kahit mabaho pa iyan. Tinitiis niya. Huwag lang siyang makita ng kahit na sino. Lalo na nang mga lalaki.
NAPABALIKWAS siya dahil sa isang panaginip.
Muli siyang napaiyak dahil nabanggit na naman niya ang salitang mommy.
Wala siyang magawa kun'di ang umiyak at hilingin na sana buhay pa ang totoong mga magulang niya at sana hinahanap pa rin siya ng mga ito.
O sana makita siya ng mga ito rito sa kalsadang pagala-gala. Na sana mamukhaan siya ng mga ito.
Pero naisip niya rin na bata pa lang siya nasa poder na siya ng inaakalang mga magulang.
Kaya paano siya makikilala ng totoong mga magulang niya? Ni hindi niya alam ang pangalan ng mga ito.
Hawak-hawak ang tiyan habang nakatingin sa isang pagkainan.
Maganda ang loob. Maraming kumakain. Habang siya, nakatanaw at naglalaway.
"Hey!"
Bigla siyang napalingon. Napaatras siya ng makita ang isang lalake.
"Huwag kang matakot."
Hindi ako nagsalita ng makitang ngumiti ito.
"Bakit nandito ka? Nasaan ang mga magulang mo?"
Bigla akong napayuko. Gusto kong umiyak sa tanong nito.
Akmang magsasalita ako ng may biglang sumulpot na babae.
"Babe, anong ginagawa mo?"
Pansin ko ang pandidiri nito sa akin.
"Pumasok na tayo sa loob. Nagugutom na ako." Sabay hatak nito sa braso ng lalaki.
Ngunit hindi natinag ang lalake.
Nang matulala ako nang may i-abot itong pera sa akin.
"Here. Bumili ka ng pagkain mo okay.." Sabay ngiti nito.
"Babe, ano ba iyan? Tara na sa loob!" Bigla akong napatingin sa babae.
Galit ang mukha nito.
Dahan-dahan kong inabot ang pera.
"S-salamat po..!"
Bigla na lang akong napaluha. Pansin kong natigilan ang lalake.
"H-hey--"
Nang hatakin ng babae ang braso ng lalake.
"Sandali lang," rinig kong wika ng lalake sa babae.
Bumalik ito sa akin.
"Dito ka lang at bibilhan kita ng pagkain."
At saka ito umalis kasama ang babae.
Ngunit hindi ko na hinintay pa ang mga ito at tumakbo na palayo.
Natatakot akong baka kung saan ako dalhin ng mga ito.
Marami pa naman akong nakikita sa TV na kinukuha ang mga batang babae na pagala-gala sa kalsada.
Lumipas ang maraming araw.
Habang patawid siya sa kalsada.
Nagsisigaw ang mga kapwa niya namamalimos na isa raw akong baliw.
"Baliw! Baliw!"
"Baliw siya!" Sabay turo ng isa sa akin.
Napaiwas pa ako ng batuhin ako ng mga ito.
Hanggang sa magsitakbo ang mga ito.
"Hi!" Isang babae ang nakangiti.
"Wala ka bang kasama?" Napaatras naman ako.
"Huwag kang matakot. Gusto mo bang kumain?"
Hindi pa rin ako nagsalita.
Hanggang sa i-abot sa akin ang isang plastic bag.
At dahil sa gutom kaagad ko itong kinuha at sumalampak na lang bigla.
Hanggang sa matigilan ako sa pagsubo. Nandoon pa rin ang babae.
Nakangiti.
"S-salamat po.."
Nang yumuko ito.
"Gusto mo bang mabilhan ng mga bagong damit?"
Bigla naman akong sumaya.
"Bibilhan niyo po ako?" Nagliwanag ang mukha ko.
"Yup! Sama ka sa akin at bibili tayo ng mga damit mo. Para hindi ka na madungis."
Bigla akong napatalon sa tuwa. Natatawa ako na naiiyak.
Pansin kong natigilan ang babae.
"M-masaya lang po ako."
Tumango lang ito at pinagmamasdan ako habang kumakain.
Ngiting-ngiti naman ako.
Natigilan ako ng yayain akong sumakay nito.
"Sakay ka na. Medyo malayo ang pagbibilhan natin."
Mabilis akong napailing.
"Hey, huwag kang matakot okay. Hindi kita sasaktan. Bibilhan lang kita ng damit."
"Pero malayo? Hindi na ako makakabalik dito?"
Nang tumawa ang babaeng nasa harapan ko.
"Gusto mo bang bumalik dito? Doon sa pupuntahan natin, walang mag-aaway sa iyo."
Bigla naman akong natuwa.
Sa isiping walang mananakit sa akin sa pupuntahan namin, bigla akong napasakay sa sasakyan nito.
"Ang ganda!" bulalas ko habang nakatingin sa loob ng sasakyan nito.
Ngunit natahimik din ako sa isiping babaho ang sasakyan nito dahil sa mabantot kong amoy.
Ngunit nakangiti pa rin ang babae.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay sa buong paligid.
Bigla akong napa-atras.
Nagpalinga-linga sa paligid.
Napaiyak ako dahil sa takot.
Bakit parang mga baliw ang kasama ko?
Nakasuot silang puti at tumatawang mag-isa.
Kumikilos na parang wala sa sarili.
Napasiksik ako sa isang tabi. Hanggang sa mapaiyak na lang.
Gustuhin ko mang hanapin ang babaeng nagdala sa akin pero hindi ko magawang umalis sa kinauupuan ko.
Natatakot ako sa mga kasama ko! Matatanda na sila.
Pero bakit ako dinala ng babae rito? Hindi naman ako baliw!
Napagkamalan niya ba akong baliw?
Nataranta ako ng may pumasok.
Hinawakan ako ng isang babae.
"S-sandali lang po. Hindi po ako baliw!" naiiyak na wika ko.
Bigla silang napatingin sa akin.
"Hindi po ako baliw. Paalisin niyo na po ako rito! Ayoko rito!" natatakot na wika ko.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makitang may karayom silang inilabas.
Parang injection!
"H-huwag po! Hindi ako baliw!!!"