J. HERNANDEZ HINAWASAN STA. CRUZ "Saan ang punta ma'am?" Bigla akong napalingon. Lumapit ako rito habang bitbit ang may kalakihang bag. "Sa Brgy. Matuninong Sta. Cruz ho manong?" Mabilis itong bumaba sa tricycle at kinuha ang bag ko. "Sakay na kayo ma'am. Labing limang minuto bago tayo makarating sa Matuninong." Habang tumatakbo ang tricycle hindi ko maiwasan pagmasdan ang paligid. Mas maraming puno. Matataas at matatayog. Tunay ngang probinsya ang napuntahan ko. Malayong-malayo sa kamaynilaan. Kung doon napakagulo. Dito naman napaka-payapa. At mukhang safe naman ang lugar na ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napakurap ako ng uminit ang mga mata ko. Ramdam ko ang bigat sa dibdib sa tuwing naiisip na iniwan ko ng tuluyan ang nobyo. Iniwan ko ang cellphon

