Isang malakas na singhap ang kumawala sa bibig ko ng tumama ang malakas na sampal ni Ma'am Elisha sa mukha ko. Halos napaatras ako ng bahagya. Nangatal ang buong katawan ko sa tindi ng takot. Kaya pala ganoon na lang ang takot ko habang paakyat dito sa library nito. Kasabay ng pagsapo ko sa sariling pisngi ay siyang pagpatak ng luha sa mga mata ko. "Wala kang utang na loob! Pati ang anak ko!" Ramdam ko ang matinding galit nito sa panginginig ng boses nito. Yukong-yuko ako at halos matakpan na ng mahabang buhok ko ang mukha ko. "Pagkatapos kitang pulutin! Pakainin, damitan at patirahin sa pamamahay ko, ito pa ang igaganti mo? Hindi ka pa talaga nakuntento sa lahat ng kabutihang ginawa ko sa'yo! At pati anak ko, inakit mo!" gigil nitong sigaw sa akin. Sa sobrang takot, halos napahikbi

