"Hija, are you alright?" Bigla akong napapitlag. "Po?" "Tinatanong kita kung okay ka lang ba?" At saka tipid itong ngumiti. Nakagat ko ang ibabang labi sabay yuko. Nilaro-laro ko pa ang mga daliri ko. 'Di ko kasi maiwasang kabahan. Makaramdam ng takot. Nang maramdaman ko ang pagtapik nito ng marahan sa braso ko. "Wala kang dapat ikatakot. Sa bahay marami kang makakasama at makakausap. Wala ng mananakit sa iyo roon at magbabalak ng masama." Marahan akong napatango. Tiningnan ko rin ito sa mga mata. "Salamat po talaga Ma'am Elisha." Pinigilan kong bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Sa ilang oras namin sa Mall kanina, ipinagtapat ko ang lahat dito. Simula kabataan ko, kung paano ako binubugbog at sinasaktan ng mga nakilala kong mga magulang. Ipinagtapat ko rin dito kung paano ak

