Ilang beses akong napabuntong-hininga bago naisipang kumatok sa pintuan ng Kuya Alex ko. Hindi ako mapakali at ang t***k ng puso ko 'di na normal. Para iyong kinakalabog sa lakas. Ramdam ko rin ang pang-iinit ng mukha ko. Hindi na kasi mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin nito sa loob ng kusina. Kung paano ako nito halikan at hinayaan ko naman. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ito matanggihan ng gabing 'yon. Lalo na ng malaman kong hindi naman pala nito girlfriend ang babaing Celine na iyon. Parang may kung anong paro-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko. Nakikiliti ako habang nananakit ang ibabang puson ko! Ang mga titig nito at ang paos na tinig nito na nagbibigay hina sa mga tuhod ko. Nang gabing iyon, doon ko napagtanto na gusto ko na rin ito. Kaya ng halikan nito an

