ISANG TAON ANG NAKALIPAS! "Sa wakas, bakasyon na!" masayang wika ni Loida. Napangiti naman ako. Ito ang huling pasok namin ngayong taon. Sa susunod na taon, 2nd year na rin ako. "Congrats Nadz! Nanguna ka sa klase. Bukod sa napakaganda mo na, matalino ka pa!" wika naman ni Emily. "True! We're so lucky na ikaw ang kaibigan namin!" kinikilig na segunda ni Loida. "Kasi may gayahan? Ganoon?" Si Emily. Sabay-sabay pa kaming nagkatawanan. Ang nakakatuwa, kaming tatlo ang nangunguna sa buong klase pagdating sa taas ng marka. Ang cute nga ng dalawang 'to at pagnanggagaya, hindi nila kina-copy lahat. Para daw hindi halata na nanggaya sila sa 'kin. "Masaya rin ako na kayo ang kaibigan ko," nakangiting wika ko sa mga ito. Gusto kong maluha at sabay pa silang yumakap sa 'kin. "At dahil bakas

