Napalunok ako habang pinagmamasdan ang sarili. Pilit ko pang binababa ang paldang suot ko pero sadyang hindi umabot ng tuhod ang haba nito. Para akong korean sa suot kong uniform. Katulad na katulad sa pinapanuod kong korean drama. Nakagat ko ang ibabang labi ng mapansin ko na lumilitaw ng bahagya ang maputi kong hita. Aaminin kong hindi ako komportable, pero wala naman akong mapagpipilian at ito ang uniform nila. Tinernuhan ko ng mahabang medyas na halos umabot sa tuhod ko kasama ang sapatos. Nagmukha tuloy akong korean girl. Lalo na at hinayaan kong nakalugay ang mahaba at makinang kong buhok. Halos umabot na iyon sa puwetan ko. At dahil fitted ang damit na suot ko na may necktie sa gitna kaya naman bakat ang kurbada ng katawan ko. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawa

